Chapter Twenty One

1.3K 41 0
                                    

"Queen!"

Julie already knows who that is. And as what she promised herself yesterday, hindi niya ito pinansin. Pinagpatuloy lang niya ang paglalakad habang hinahabol naman siya ng kasintahan sa likuran. Kaagad rin naman siyang naabutan nito dahil puro lakad lang ang ginawa niya.

"Hey, Queen. Why are you avoiding me?" Kunot noong tanong ng binata sakanya. She just creased her eyebrow and looked at him intensely.

"Who's that Max?" Diretsong tanong niya dito. Bigla namang ngumiti ng pangasar ang binata saka lang tumingin sa daanan nila.

"Have you eaten yet? Tara kain muna tayo." Sabi ng binata na sobrang ikinaasar niya.

"Arrgh! Bahala ka nga diyan!" inis na sambit nito saka iniwanan si Elmo. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng binata sa likod niya kaya napapikit siya't mas binilisan ang paglakad.

BOGSSSH!

"ARAY!" sa lakas ng pagkakabangga niya, feeling niya ay matutumba na siya sa sahig. Kaya naman pumikit na lang siya at hinayaan na lang niyang maramdaman ang sakit na maaari niyang matamo. Ngunit imbes na masaktan siya sa matigas na sahig, bumagsak siya sa matigas na katawan ng kasintahan. Napamulat siya ng marinig niya ang mura ng binata.

"Shit! Watch your steps dude!" Isang napakaseryoso ding lalaki ang nakita niya sakanyang harapan. The guy is as tall as Elmo. May itsura pero lamang pa rin ang kasintahan niya. He also has the same body built. Mukhang transferee kasi ngayon niya palang ito nakita.

"Tell that to your girlfriend. Siya ang hindi tumitingin sa dinaraanan niya..." seryosong sambit nito habang tinignan mula sa ulo hanggang paa si Julie. "...Just be careful next time, beautiful lady. I'm Glenn." He continued as he smirked before going.

Tila nagpipigil naman ng inis si Elmo dahil mukhang aamba na ito ng suntok. Iniwan naman ulit siya ni Julie ngayon, this time hindi na siya pumikit pa. Hindi pa siya nakakalayo ng marinig niya ang mura ni Elmo.

"Fuck!" dumiretso lang siya sa may tambayan nila at sinundan siya doon ng binata. Umupo siya sa harapan nito't nagtanong kaagad.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ni Elmo.

"Kanino? Kay Max? Seryoso ka ba? Baka naman ikaw ang nagseselos?" Sarkastikong tanong ng dalaga.

He let out a sigh and clenched his jaw.

"Yes I'm jealous. 'Cause I want you mine. Mine alone." Kahit pa kinikilig ay inirapan nito ang binata.

"Why don't you just start your explaining thing, mister?" Iritang tanong niya dito.

"She's my baby." Elmo smirk. 'Napaka bipolar ng lalaking ito! Kanina galit tapos... tapos pinaguusapan lang namin ang Max na yun, ngingiti ngiti na?!'

"Baby?" Natawa naman ng pagak si Julie. "Endearment niyo? Wow ha! May klasi pa ako, una na ako sayo. Tawagan mo na lang babae mo!" Tuloy nito saka tumayo para lisanin muli si Elmo. But he just pulled her wrist and let her sit in his lap and hugged her from behind.

"Nakalimutan mo na ba? We have the same schedule, Queen don't be so silly." Nangaasar na sambit ng binata.

"Eh ano ngayon? May gagawin pa ako Elmo pwede ba..." sambit niya habang sinusubukang magpumiglas sa pagkakayakap ng binata. Mas lalo lamang itong hinihigpitan ng binata kaya tumigil na lamang siya.

"She's Max..." umpisa nito.

"I know. Nagpakilala siya sakin." Masungit na sambit ni Julie na nakapagpatawa sa binata.

That Day When Our Hearts MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon