Iniisip ko pa rin kung sino yung nagligtas sakin.. Posible kayang si Ivan yun? Ang pamilyar kasi talaga ng boses niya eh.. Kaso kasi, umuwi ng maaga si Ivan kahapon eh.. atska kung siya man yun, lalapitan pa niya ako.. Naglalakad ako sa may corridor nang may biglang humila ng buhok ko.. malakas ang pagkakahila kaya napaupo ako..
"A-aray!" ang sakit nun ah.. ang sakit din sa pwet! Sino ba to?!
"Hoy! Panget! Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo kay ElmoBabes namin!?" hinarap niya ako sakanya at pamilyar din ang mukha niya.. Isa ata siya sa mga naging fling ni halimaw.. Ang kapal naman ng makeup kung makatawag ng panget.
"ElmoBabes? Seryoso ka? Atska wala akong ginagawa sakanya kaya bitawan mo na ako!" Obsessed din to kay halimaw! Ano bang nagustuhan nila sa kupal na yun?! Pati tuloy ako inaaway ng mga to!
"Aba! Lumalaban kang panget ka ah! Akala mo ba, hindi ko alam na napunta sa guidance si ElmoBabes ko ng dahil sayo?!"
"Oo nga! Atska sino ka ba para sagut sagutin ng ganun-ganun lang si King?!" King? Si Elmo? Patawa ba siya? Nakakabigla siya ah! Bigla na lang sumasabat!
"Wala akong pakialam sa King o ElmoBabes niyo! Kaya iwanan niyo na ako!" Sasampalin na sana ako ni mukhang clown ng may humawak sa kamay niya..
"Bakit ka ba nangingi- Ch..cheska?" Bigla naman siyang namutla at umalis na lang.. napatingin ako dun sa babaeng tumulong sakin, nginitian naman niya ako.. Ang ganda niya.. kilala ko siya.. Isa sa pinaka popular na babae sa school.. Anak ng Principal.. Pero sa pagkakaalam ko, napakahumble niya at napakabait.. Tinulungan niya akong tumayo at nagpagpag sa uniporme ko..
"Okay ka lang?"
"Ahh.. Oo. Salamat nga pala.." nahihiya kong ngiti sakanya..
"Ano ka ba, wala yun noh! Alam mo bang lagi kitang napapansin? At gustong gusto kong makipagkaibigan sayo!" masigla niyang sabi.. natulala ako.. siya? Gustong makipagkaibigan sakin?
"By the way, I'm Frencheska Farr." Abot niya ng kamay niya..Kinuha ko yun at nakipag shake hands..
"O..oo. Kilala kita.."
"Wow! Ako rin kilala kita eh! Ikaw si Julie Anne San Jose diba?" Ha? Kilala niya ako?
"Oo kilala kita.. Diba gusto kitang maging kaibigan?" Ay oo nga pala.. Ang bait naman niya..
"Ahh.. Oo. Sigurado ka ba diyan?"
"Oo naman! Alam mo, kaklase kita eh.. Kaso di pa ako nakakapasok kasi nagpapractice kami eh.. " ngiti niya.. saka ko lang napansin na nakapang cheerleader siyang suot..
"Ganun ba?"
"Oo. Teka, friends na tayo ah?"
"Sige.." ewan ko pero ang gaan ng loob ko sakanya..
"Yeeeey! Gusto mo bang sumama sakin? Mag practice kami sa gym ngayon eh.." vacant namin ng two subjects.. May 30 minutes pang natitira so wala naman sigurong masama kung sasama ako.. tumango na lang ako saka niya ako hinila.. mukhang excitdd siya..
"Tara! Ipapakilala kita sa mga teammates ko!" Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa gym..
"Girls!" Tawag niya sa mga kasama niya..
"Captain!" Lumapit kami sakanila.. siya pala ang captain.
"Girls! Meet Julie Anne! New found friend."
"Hi Julie!" Sabay-sabay nilang sabi.. No wonder, cheerleaders nga sila..
"Julie, meet Sabrina, Mitch, Rachelle, Jaimee, Iris and Aina." Mukhang ang babait nilang lahat.. Halatang simple lang sila at walang arte sa katawan..
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanficJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...