Chapter Fifteen

1.5K 55 1
                                        

"Guys, sembreak na. Ano ng plano?" Tanong ni Jasper.

Nasa isang kwartong bakante silang magbabarkada. Ni-request ito ni Maqui sa daddy niya. Para naman may maging tambayan sila. Kumpleto sila pero wala si Elmo.

"Wala pang plano eh. Pero gusto ko sanang magswimming." Sabi ni Sab na lumalantak ng fried chicken ngayon..

"Uhmm. Oo nga. Pwede rin. Wala pa naman tayong naging outing eh. " sang-ayon ni Aina.

"Ano beach na lang?" Tanong ko. Nagsitanguan naman silang lahat.

"Saan naman?" tanong ni Rachelle.

"Sa Boracay na lang.." sabi ni Maqui.

"Ha? Sa Puerto Galera na lang kaya?" Suggest ni Mitch.

"Ehhh mas gusto ko sa Boracay eh." Sabi ni Maqui.

"Eh kung sa resort na lang ng Tito ko sa Palawan?" Biglang tanong ni Jasper. Napatingin kami sakanya atska sumangayon.

"Oo sige. Sabihan na lang natin si Elmo." Sabi ni Charles.

"Uh.. Pwede ba nating isama si Ivan?" Nagaalinlangan tAnong ni Julie. Nagkatinginan naman ang barkada saka hukarap sakanya.

"Oo naman!" Sambit ni Maqui.

"Okay sige. Sasabih-"

"Swimming? Sama ako!" Nagulat kami ng may biglang pumasok sa loob. Si Elmo kasama si Lauren. Ngingiti ngiti naman si Lauren na tumingin sa amin. Sina Maqui halatang nagpipigil ng inis.

"Lauren, barkada bonding ito kaya san-" hindi natuloy ang sinasabi ni Aina ng sumabat ulit si Lauren.

"Sama niyo na ako. Please Elmo?" Tumingin siya kay Elmo saka nagpacute. Pwe! Pabebe masyado.

Tumango lamang si Elmo kahit na cold pa rin ang mukha niya.

"Yehey!! Kailan ba ito?"

"Bukas na." Naiiritang sambit ni Mitch.

"Okay sige. Mauna na ako ah? Bibili pa kasi ako ng swimsuit. Bye, babe." Sabi niya saka humalik sa pisngi ni Elmo.

Hindi naman pumalag si Elmo hanggang sa makalabas na si Lauren.

"BABE?!" Sabay sabay nilang react. Nagkibit balikat lang naman si Elmo.

"Kayo ba Elmo?" Tanong ni Maqui. Tumingin naman si Elmo sakanya at kumunot ang noo.

"Satingin mo?" Balik tanong ni Elmo na ikinairita ni Maqui ng husto.

"Sa lahat naman ng babae yun pa! Aynako Magalona! Wala ka man lang bang taste sa mga babae?!" sigaw ni Maqui sakanya. Eto namang si Elmo, inilagay niya lang ang beats niya sakanyang tenga. At wala ng nagawa si Maqui kundi magbuntong hininga.

"Tara na nga girls, labas muna tayo. Nakakainit ng ulo yung isa dito," sabi ni Maqui saka tumayo para harapin sina Charles. "Kayong dalawa, tanungin niyo yang kaibigan niyo kung anong problema niya ah! Nakakabanas na siya!" Sigaw ni Maqui saka na lumabas ng kwarto. Sumunod naman kaagad sina Mitch sakanya. Ako ang huling lalabas kaya ako ang magsasara..

Malapit ng sumara ang pinto nang may narinig akong sinabi ni Elmo na nakapagpatigil sakin..

"Mahal ko siya..." Nasarado ko na ang pinto kaya di ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi..

It means, mahal ni Elmo si Lauren? Kaya kahit na ayaw ng barkada kay Lauren, ay pinakikisamahan pa niya ito..

"Julie!" Nabalik ako sa ulirat sa pagtawag ni Rachelle sa akin.. Tumakbo na rin naman ako kaagad papunta sakanila..

That Day When Our Hearts MetMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon