"Queen!" Tawag ni Elmo sa kasintahan nang makita niya itong naglalakad sa may corridor. Lumapit siya rito saka niya ito binigyan ng halik sa pisngi.
"Oh, King? Bakit?" Tinignan niya ang kasintahan at napansin ang varsity na suot nito ngayon... "Di ka papasok?"
Kaagad namang umiling ang binata bilang sagot.
"Practice namin ngayon. 3 weeks from now kasi intrams na... Punta ka mamaya ah? Sabay tayong uuwi."
"Sige sige. Paano ba yan, pasok na ako ah?" Paalam ng dalaga. Kaagad namang ngumiti si Elmo at kinuha ang mg dalang libro nito atska pa siya inakbayan.
"Ihahatid na kita." Lalo pa siyang inilapit ni Elmo sa kanya at parang yinayakap na niya ito.
"King, bawal PDA dito." sambit niya habang medyo lumalayo kay Elmo... Napansin kasi niyang marami ng nakatingin sakanila.
"Hayaan mo sila. Hindi naman tayo magme-make out eh." Biglang namula si Julie at kaagad lumayo kay Elmo para hampasin ito.
"Ikaw! Ano-anong lumalabas sa bibig mo ah!" Napahalakhak naman ang binata sa inasal ng kasintahan.
"Namula ka naman! Bwahahahaha!" Namumula nitong sabi, at napapahawak pa sa tiyan. Kaya naman nakatanggap ulit siya ng hampas sa kasintahan bago nito kunin ang mga sariling libro at umalis.
"Hmp! Bahala ka nga diyan!" Irap niya rito.
Nagpipigil tawa nanang sumunod si Elmo sakanya.
"Hahaha. Queen, joke lang!" Habol niya dito.
"Che! Wag ka ng susunod sakin!" Sabi niya saka pa binilisan ang paglakad. Dahil di hamak na mas malaki ang hakbang ni Elmo, nahabol niya ito. Hinablot niya ang kamay ng kasintahan at marahan niyang binigyan ng mabilis na halik sa labi si Julie. Tila napatahimik ang dalaga at nanatiling nakatingin lang kay Elmo...
"Now, that's PDA. I love you." Kindat niya dito saka pa binigyan ng isang napakatamis na ngiti ang dalaga na nakapagpalambot ng tuhod nito.
Umalis rin si Elmo kaagad at nanatiling nakatayo ang dalaga na tila ba gulat pa rin. Saka lang niya napansing nasa harapan na pala siya ng kanilang classroom.
Alam niyang pulang-pula na siya ngayon kaya napahawak na lang siya sa kanyang kanang mukha at tumingin sa paligid. Nakita niyang halos nasa kanya ang atensyon ng mga eatudyanteng naroon, kaya nagmadali rin siyang pumasok sakanilang kwarto.
'Tsk PDA talaga...'
-
"Juls! Kayo na ba ni Elmo?" Tanong ng isa sa mga kaklasi niya. Napabunyong hiniga na lang siya, tila hindi rin nakatakas sa mga nangyari kanina...
Nginitian niya lang ito bilang sagot. Dahil alam niyang pagkakaguluhan siya ng mga kaklase niya...
Tinignan niya ang cellphone niya upang malaman ang oras at sakto namang may text sakanya si Maqui...
'Juls, pupunta ka daw mamaya dito sabi ni Magalona? Punta ka ah.'
Kaagad rin siyang nag reply sa kaibigan.
'Oo Maq. Kaya lang di ako makakasabay sainyo mamayang pauwi eh.'
Ilang sandali pa ay may reply na ito sakanya.
'Alam na namin yun. Sinabi na ni Elmo kanina. :) Btw, grabe yung PDA niyo kanina ah? Kakilig. Hihihi. '
'What the? Pati ba naman sakanya kumalat?'
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...