"Juls!" Napalingon si Julie na ngayo'y nakaupo sa may buhanginan. Alas otso na ng gabi nang maisipan niyang lumabas muna para magpahangin.
"Maq?" Dumiretso si Maqui sa tabi niya upang maupo. Nginitian lamang siya ng kaibigan.
"Nakita namin kayo ni Elmo kanina.. May nangyari ba?" Napatingin naman ang dalaga sa kaibigan at umiling.
"Yun ba? Wala yun... Napulikatan kasi ako kanina at kumapit ako sakanya." Tumango tango naman si Maqui.
"Sa panahon bang iyon Juls, wala kang naramdaman?" Halata sa mukha ni Julie ang gulat at naguguluhan siya.
"W...wala." pagiwas niya ng tingin.
"Sigurado ka?" Mariin na tanong ni Maqui.
"O..oo." nagbuntong hininga naman si Maqui saka siya tumayo.
"Kung ganon, tara na at pumunta na tayo sa bar na malapit dito. Nandoon ang barkada." Sabi ni Maqui habang nilalahad ang kanang kamay sa kaibigan..
"Sige."
Medyo may kalayuan din yung bar na pupuntahan nila.. Pero hindi naman sila nabahala sapagkat masarap naman ang hanging dumadampi sakanilang mga balat.
"Pero kung sakali mang meron Juls, nandito lang kami ah? Sabihan mo kami..." biglang sabi ni Maqui kaya napatingin si Julie dito. Tumango na lamang si Julie sa kaibigan.
Nakarating na sila sa bar at nadatnan nila ang apat na medyo lasing na. Si Elmo, mukhang wala na sa ulirat dahil ang tahimik na nito, samantalng nasa tabi naman niya si Lauren na nakspalupot ang braso sakanta. Si Ivan naman ay medyo nakakaya pa rin. At sina Charles at Jasper ayun tawa ng tawa na para bang may sobrang nakakatawa silang sinabi.
Kaagad rin naman silang nakita ni Ivan kaya sumenyas ito na pumunta sakanila. Di naman nag atubili si Maqui na hilain ang kaibigan papunta sakanila.
"Julie, tara dito ka." Sabi ni Ivan na tumuturo sa tabi niya. Tumango naman si Julie at naupo. Saka naman siya napatingin sa harap niya. Kaharapan pala nila sina Elmo at Lauren. Tahimik lang si Elmo na nakapikit ang mata samantalang si Lauren naman ay hinahalikan kung saan saan si Elmo. Kaya naman napakunot ng noo si Julie.
'Ano ba naman itong babaeng ito. Wala ba siyang delikadeza?'
"Nasaan yung iba?" Tanong ni Maqui na nasa tabi ni Charles. Kaagad din naman tumuro si Charles sa dance floor kung saan sumasayaw yung apat.
Napagawi naman ang tingin ni Maqui kina Elmo at Lauren. At katulad ng reaksyon ni Julie kanina, napakunot din ang noo nito.
"May balak ka bang ikama si Elmo ha?" Napatingin ako kay Maqui ng sabihin niya iyon kay Lauren. Tinitignan ko lang silang dalawa. Si Elmo nakapikit pa rin. Si Lauren naman ay napatingin kay Maqui.
"Pwede na rin." Sagot ni Lauren . 'Bitch talaga'
"Haliparot ka talaga!" Sigaw ni Maqui sakanya. Ngumiti lang ng mapangasar si Lauren sakanya.
"Talaga." Sagot nito saka humarap kay Elmo at hinalikan ito sa labi. Nakita kong nagrespond naman si Elmo. Nakatulala lang ako sakanila nang may humawak sa kamay ko.. si Ivan.. Tumingin ako sakanya at ngumiti. Kaagad rin akong napatingin kay Maqui na nakatingin na sa akin na para bang nag aalala. Nginitian ko lang siya na parang nagsasabbing wala lang yun sakin. Although meron talaga. Hindi ko alam bat nasasaktan ako. Dahil ba nahalikan na ako ni Elmo dati at nageexpect ako na ako lang hahalikan niya? 'Urgghhh. Ang asuuming mong masyado Julie Anne!'
Nag inuman lang naman kami buong gabi hanggang sa mag aalas dose na ng madaling araw, naisipan na naming bumalik dahil talaga namang malakas na ang tama ng mga lalaki. Lalo na itong si Jasper. At dahil si Ivan ang hindi pa ganoong kalasing at siya rin naman ang ka room mate nito, siya ang umalalay sa kaibigan at nauna ng umalis sa amin. Medyo nakainom na rin ako kaya nahihilo ako. Si Maqui naman ang umalalay kay Charles dahil medyo natutumba na rin ito kahit pa nakakalakad pa naman.. At si Elmo? Ayun sumunod na rin sakanila. Actually kanina pa umalis sina Aina dahil antok na antok na sila. Sasama na sana ako kaso piniit ako ni Maqui dahil wala daw siyang makakasama.
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanficJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...