Chapter Ten

2K 58 3
                                    

"Julieee!!"

"Ayan na! Pababa na!" Sigaw ko pabalik kina Maqui. Hinanap ko muna ang jacket ko.. Di ko na ready kagabi. Buti na lang naka jogging pants ako kaya makakagalaw-galaw ako.

"Ayun!" Nakita ko yun sa may pinakailalim ng drawer ko..Kinuha ko na ang bag ko at agad-agad rin akong bumaba nakita ko rin sina Aina at Maqui sa sala.

"Oh? Nasaan na sila?"

"Ayun na una na sa van."

"Sige. Tara na? 5 na eh." Sabi ko.

"Bakit ba kasi napatagal ka?"

"Di ko kasi makita itong jacket ko eh."

"Ahh. Osige. Tara na. Nagrereklamo na yung tatlong mokong."

"Tatlong mokong?"

"Oo sina Jasper nandyan."

"Bakit?"

"Sabay-sabay na daw." Tumango na lang ako tsaka nakami lumabas. Nasa pinakadulong upuan yung tatlong mokong. Tulog pa. Tumabi na ako kay Mitch tsaka na pinaandar ni Mang Lito ang van..

Pagkarating namin sa school, nagsasakayan na sa bus ang mga estudyante.. Ako ang unang lumabas at dumiretso na rin ako sa bus. Kasama sina Aina. Si Maqui, nagpaiwan. Gigisingin pa daw niya yung tatlo.. Nasa may bandang gitna kami pumwesto..

"Julie? Tayo na lang tabi you want?" Tanong ni Sab.

"Gusto ko man pero kasi, si Elmo daw katabi ko eh.. Pasensya na ah?"

"Si Elmo? Sige sige. Kay Mitch na lang ako tatabi." Sabi niya saka niya ako nginitian.

After 5 mins, wala pa silang apat. Hirap na hirap siguro si Maqui na gisingin sina Charles. Kinuha ko yung maliit na pillow ko sa bag. Dinala ko ito para naman makatulog pa ako..

"Julie?" Napalingon ako at nakita ko si Carl.

"Carl? Bakit?"

"Pwedeng ikaw na lang katabi ko?" Sasagot na sana ako pero bigla siyang nanginig at parang kinakabahan..

"A..ay! Wag na lang pala! Katabi ko na nga pala si Clark. S..sige bye." Sabi niya saka siya kaagad umalis. Problema nun?

Nabigla ako ng sumulpot si Elmo na nakakunot ang noo, naka varsity jacket at snapback sa ulo niya.. Umupo rin siya kaagad sa tabi ko at sinalpak ang headphone niya.. Kaya tumingin nalang ako sa labas.. Ilang sandali pa, dumating na rin ang mga teachers na makakasama namin dito sa bus.. Nagpray at pinaandar na rin ang bus pagkatapos.. Pinatay muna ang mga ilaw para makatulog pa ng maayos..

Inayos ko na ang unan ko sa may bintana at hinigaan ko yun. Pero hindi ako mapakali. Kaya papalit palit ako ng pwesto.. Hanggang sa hinila ni Elmo ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. Wow ha! Manghihila ganun?Ang sakit kaya! Nauntog ako sa mga maskels niya! >.< Kaagad ko rin itong inalis at tumingin sakanya.

"Ano bang ginagawa mo ha?!" Tanong ko. Pero nakakunot lang ang noo niya at hinala ulit ang ulo ko sa balikat niya. Aalis sana ako pero mas idinikit niya yun sakanyang balikat. Hindi na ako gumalaw kasi I somehow felt comfortable sa balikat niya..

"Aarte pa." Rinig kong bulong niya hanggang sa napapikit na ako at di ko namalayang nakatulog ako..

"Huy.. uy! Manang!" Nagising ako ng may tumatapik sa mukha ko..

"Uhhmm?"

"Nakastop over tayo.. Di ka magccr?" Antok na antok pa ako kaya umiling nalang ako..Nabigla ako nang bigla siyang tumayo kaya medyo nasubso ako sa upuan niya..

That Day When Our Hearts MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon