---
Third day of school at talaga namang ako ang pinagtitinginan nil.. naglalakad ako sa corridor at napansin kong nag give way pa sila.. Wow lang ha... Nag give way pa talaga sila para sakin.. nag punta sa bawat side eh.. nakakapanibago to ha. Tumigil muna ako tska ko sila tinignan.. Wala naman akong virus ah.. di naman siguro nila ako nilalayuan.. di naman sila ganto dati.."Bakit nagsipagtabi kayo? Wala naman akong virus ah? " tanong ko dun sa babaeng nakasalubong ko at mukhang tatabi na rin sa gilid.. itinuro niya lang ang nasa likod ko tska siya tumabi.. pagkaharap ko nakita ko si Elmo sa likod ko, sobrang lapit niya.. as in.. nakangisi lang siya sakin.. yung mapangasar na ngiti..
"Umalis ka nga diyan sa harap ko.."
"Bakit sayo ba tong daan?" Ewan ko ba.. pero nagiging bad ako kapag kausap ko siya..
"Oo. Alam ko namang alam mo na ako ang hari dito."
"Hari? Sa pagkakaalam ko, walang ganun dito.. Lahat tayo pantay-pantay lang.. Teka nga! Sinusundan mo ba ako?!" Bigla siyang tumawa ng malakas.
"Anong tinatawatawa mo diyan?" Taas kilay kong tanong.
"Nagpapatawa ka ba? Ako sinusundan kita? Ilusyonada ka rin eh noh? Sa panget mong yan susundan kita?" Tumawa naman lahat ng mga estudyante saka ko lang napansing kasama niya pala ang dalawang epal niyang kaibigan.
"Pwede rin.. Malay ko bang pinagpapantasyahan mo pala ako?"
"Sira ka ba? Ikaw na panget pagpapantasyahan ko? Baka nga ikaw may gusto ka sakin at ginagawa mo to para magpapansin sakin?"
"Hindi kita gusto noh! Asa ka naman! Tandaan mong hindi lahat ng babae makukuha mo!"
"Bakit sinabi ko bang gusto kitang makuha?"
"Bakit sinabi ko rin bang ako yun?!" Tinalikuran ko na lang siya at bago pa ako makapaglakad bigla niyang parang tinap ang likod ko..
"Aray! Ano ba?!"
"Huwag kang mag-alala.. sabihin mo lang na gusto mo ko.. Baka sakaling patulan pa kita." Tumingin ulit ako sakanya tsaka naman niya ako kinindatan kaya tinignan ko siya ng masama..
"Ang yabang mo!!" Tumalikod na talaga ako at nagsimula ng maglakad..Mas lumakas naman ang pagtawa ng mga tao dito.. Tumigil muna ako at hinarap ko sila..
"Bakit kayo tumatawa!!!?" Nakita ko si Ivan na papalapit sakin tska siya may kinuha sa likod ko.. kinuha ko yun sakanya at binasa.. I'M A WITCH. AND I'M CRAZY DEEPLY INLOVE WITH A PRINCE CHARMING NAMED ELMO MAGALONA. :)
WHAT THE HELL! BWISIT NA ELMO NA YAN! Susugurin ko na sana siya nang hinawakan ni Ivan ang kamay ko at hinila niya ako palayo doon.. Mabuti pa siya.. Oh Ivan, My Knight Shining in Armor..
"Okay ka lang ba?" Tumigil kami sa garden ng school.
"O..okay lang.. S..salamat.." pakiramdam ko namumula na ako.. grabe ang awkward nito.. Mas nabigla ako ng bigla na lang niya akong niyakap.. Napapikit na lang ako at noong pagmulat ko, parang bigla kong nakita si Elmo sa di kalayuan at masamang nakatitig samin.. Namamalikmata lang kaya ako? Pumikit ako ulit at dumilat ngunit di ko na siya nakita.. siguro nga namamalikmata lang ako.. bakit ba naisip ko ang ugok na yun?
"Bakit mo ko yinakap?" Tanong ko sakanya.
"Wala.. gusto ko lang. Tara hatid na kita sa room mo.." tumango na lang ako at nagtungo na kami doon.. Pagkapasok ko, nakita ko kaagad si Elmo.. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon.. Okay sige.. nakakatakot nga ang itsura niya.. yung mukhang makakapatay.. Bakit kaya? Maasar nga. Bwahahahaha.

BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...