Pagkadating namin sakanila, ang elegante nilang bahay ay mas lalo pang naging elegante ang dating. Halatang halatang pinaghirapan ang pagdidisenyo nito. Matagal tagal na rin ang mga grandparents niya ah? Sayang lang at wala na si Lolo.
Diretso naman agad si Elmo sa loob at hindi na hinintay si Julie sa paglabas ng kotse. Kaya naman nagumpisa nanaman ang mga bulong ng dalaga.
'Wala talagang ka gentleman, gentleman itong lalaking ito! Naku. Kung di lang ako pinapapunta ni tita..
Dahil sa pagiisip niya, hindi niya namalayang huminto si Elmo sa harapan niya. Kaya naman nauntog siya sa likod nito.
"Aray!" Lumingon si Elmo sakanya at nagkunot ng noo.
"Ano bang ginagawa mo?" Imbes na sagutin ang binata, inirapan na lamang niya ito.
Hinawakan ni Elmo ang wrist niya at hinila papasok para puntahan ang mommy niya at ang Lolo't Lola niyang may anibersaryo ngayon...
"Mom!" Tawag ni Elmo. Napalingon naman sa bandang gawi nila ang ginang atska ngumiti.
"Son!" Lumapit ito saka niya niyakap si Elmo. Pagkatapos ay inilipat ang gawi kay Julie.
"Julie Anne? Is that you iha?" Ngiting sabi ng ginang. Nahihiya namang ngumiti at tumango ang dalaga. Nagulat sila nang medyo tumili ang ginang saka siya nito yinakap. Napayakap na rin naman siya dito.
"I told you, you're beautiful." Bulong sakanya ng ginang. Kaya naman hindi niya maiwasang mapangiti.
"Salamat po." Humiwalay sila sa yakap atska sila hinigit ng ginang papunta sa mga matanda.
"Ma, Pa eto yung babaeng sinasabi ko sainyong bagay sa apo niyo." Masiglang sambit ng ginang. Hindi maiiwasan ang paglaki ng mga mata ni Julie sa sinabi ng ginang.
"Kay gandang dalaga naman pala eh. Nako, apo wag mo ng papakawalan ito ha?" Sambit naman ng lola niya habang nakahawak sa dalawang kamay ni Julie at nakangiti...
"Oo nga Moses, matuto ka ng magseryoso. Malaki ka na. " pangaral naman ng lolo nito sakanya.
Napakamot na lamang ng ulo si Elmo dahil alam niyang wala na siyang magagawa about doon.
"Uhm.. Happy Anniversary nga po pala.. Pasensya na po at wala akong maibibigay na regalo."
"Iha, ano ka ba, wala lang yun.. Matanda na kami at hindi na namin kailangan ng ano-ano pang materyal na gamit.. Ang hinihiling na lang namin ngayon ay ang kasiyahan nitong apo ko.." sagot ng lola ni Elmo. Ngumiti na lamang si Julie at kaagad rin siyang hinila ng binata.
"Ang bastos mo talaga e noh?" Sambit ni Julie. Halata naman kasing may pinaguusapan pa sila ng nga matatanda pero bigla na lamang siyang hinila ni Elmo palayo sa mga ito.
"Wala namang patutunguhan yung conversation niyong iyon eh." Iritang sambit ni Elmo saka nalamang siya Inirapan ng dalaga.
"Teka gusto mo na bang kumain?" Bigla na lamang naramdaman ni Julie ang sikmura niya.
"Sige, okay lang."
Iginaya naman siya ni Elmo papunta sa lamesang puno ng pagkain.. Kumuha lamang siya ng pasta.. Samantalang si Elmo naman ay kumuhu lang ng red wine. Naghanap sila ng mauupuan at umupo ng walang imikan.
"Yan lang ba kakainin mo?" Tanong ng binata..
"Oo. Bakit?"
"Wala lang. Kaya ka namamayat eh." So payat pala talaga ako?
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...