Episode 5

544 58 98
                                    

Episode 5: Fall

Maaga akong nagising ngayong araw dahil may lakad nga naman ako. Mamimili kami ng gamit ngayon ni Emeril sa magiging bahay namin! Weird but it's happening.

Napatingin ako sa aking sarili sa salamin. Nakalugay lang ang bahagyang mahaba kong buhok, hindi na ako nagkulot. Naglagay ako ng kaunting face powder, at lipgloss. Naka-fit white t-shirt ako at naka-denim shorts. Nagsuot din ako ng cap at sneakers naman to match and complete my outfit of the day! I still look stunning even looking this simple, perfect.

"You're early. Magkikita na ba kayo ni Emeril? I made the arrangements already, I've set a limit also. If you exceed, like you said, ikaw na ang magbabayad." si mommy habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Got it."

"Ma'am Issa, may naghihintay po sa inyo sa labas, Emeril daw po." sabi ng isa sa mga helper namin.

"Emeril's outside? Sinusunod ka niya? P—Papasukin mo na muna..."

"No, thanks! We have a lot of things to do today! Don't worry, hindi ko kayo ipapahiya kung 'yan ang concern mo. I'm going and oh... I might be with him the whole day and that includes dinner, don't expect me to join later. Bye!" dire-direcho kong tugon at umalis na.

It's ten in the morning and I intend to go out this early kasi nakakairita na sa bahay. Ganitong sinundo ako ni Emeril aba'y hinatid pa ako kunyare ng mommy sa gate para makapag-hi daw siya rito. Pakitang tao talaga.

"Mag enjoy kayo and don't worry about everything, Emeril! I've set the amount already, you can buy everything..."

"Mom, we need to go! Marami pa kaming bibilhin!" I said to cut her from talking. Nagmamadali na nga sa kontrata na ito, nagmumukha pa kaming desperado! I hate it.

Pinagbuksan ako ni Emeril ng pintuan ng kanyang dalang sasakyan. In fairness, sobrang ganda! No wonder, kabilang nga naman siya ng isang pamilyang ubod ng yaman! Kaya nga siguro gustong-gusto ng pamilya kong matuloy iyong kasal namin in two years! Effort na effort, e!

"Is this yours?" tanong ko sa kanya nang makapasok siya ng sasakyan niya. "Don't get me wrong, alam kong sobrang yaman niyo at can afford ang mga ganitong sasakyan pero for someone so young that you are..."

"Sa Kuya ko." he said, "Nasa Germany siya kaya minsan ginagamit ko."

"I see. Sorry for asking, curious lang! Isa pa, sorry din pala sa inaasta ng parents ko lalo na ang mommy ko! H'wag mo na lang pansinin! As much as possible, ayaw kong magmukhang desperado sa harap niyo sadyang nagmamadali lang silang idispatsya ako at paalisin sa bahay namin kaya ganoon! The feeling is mutual at some point, gusto ko na rin talagang umalis." tuloy-tuloy na sabi ko. Ayaw kong namimisunderstand kaya kahit na taklesa ang dating, gusto kong klaro kay Emeril na kung ako lang ang masusunod, hindi ko gustong magmukhang desperada.

"It's not a big deal, don't worry about it. Thanks for tagging me along today! First time kong mamili ng gamit! When my nanay found out about today, nag representa siyang sumama but you said tayo lang dalawa kaya she made a list of the things we should buy. A—At sabi ng mommy mo kanina na bayad na ang mga kukunin natin into a certain amount pero I think it isn't fair since sabi mo nga, bahay natin iyon, I should take part with the expenses."

Napatingin ako sa kanya. Sure, he looks so much like his brothers; tisoy, matangos ang ilong, maganda ang mata, manipis ang labi, gwapo, but hey... marunong man lang ba magalit ang isang 'to? Baka mamaya umiyak lang ito?!

"Are you really like this?" I ask, nagtataka lang ako

"Like this, what?"

"You see, kilala ko ang mga kuya mo—Eero and Elliot. I've been into some parties with them before! Sure, magkamukha kayo ng mga kuya mo pero it seems like you are a total opposite of them. Ang weird." natatawang paliwanag ko.

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon