Episode 34

829 103 130
                                    

Episode 34: Heart and Mind
--

Byernes at hindi maganda ang pakiramdam ko. I'm having dysmenorrhoea and whenever I have one, malala talaga ang sakit na nararamdaman ko.

"Hon, bumangon ka na at maligo na! I'm almost done preparing our breakfast! H'wag tayong ma late today please? Byernes na byernes, e."

Emeril, the usual him every morning. Annoying but I'm getting used to this human alarm clock already.

"Hon, can I skip classes for today? I'm not feeling well." sabi ko kasi although tolerable, masakit pa rin talaga. Nakakatamad magsisikilos.

He sighed, "You're not feeling well because you slept too late last night. I've always reminded you about proper time to sleep Issa! You've been so stuck with your phone all night, malamang, hindi talaga gaganda ang pakiramdam mo kinabukasan! Isa pa, today's a friday, uuwi tayo sa bahay mamaya, right? Didiretso na tayo after,"

"I have my period, okay? Dini-dysmenorrhoea ako tapos parang ang lagay, nag-iinarte ako?" I raised an eyebrow. "Mag eexcuse ako sa klase—"

"Cut the drama, Issa! Magbihis ka na o maiiwan ka rito mag-isa sa condo! Sige na! Hihintayin kita sa labas." anito at akmang aalis ng kuwarto.

"Drama talaga? Sa tingin mo, nagdadrama lang ako?" Maybe it's because of my period pero talagang naiirita ako kay Emeril ngayon. Sobrang naiirita.

"Issa... let's not argue about this, please? I have a quiz today, ayaw kong ma late."

Naiiyak ako. Nakakairita siya! "Minor lang naman iyong klase ko today! PE lang this morning..."

"Ke minor subjects o major, importante pa rin iyan sa pag-aaral, Issa. They're all essential subjects to graduate college and earn a degree!" natahimik siya't bumuntong hininga. "We're wasting so much time with this petty argument! Kung ayaw mong pumasok, bahala ka na." anito at tila naiinis na lumabas ng kuwarto.

Sana maranasan din ng Emeril na ito ang dysmenorrhoea nang maramdaman niya itong nararamdaman ko ngayon! Bwisit!

I was left with no choice. Nag-ayos ako para pumasok. Paano, parang ang sama ko na agad na tao dahil lang gusto kong umabsent. Oo, tinatamad akong mag-aral pero sabi nga niya para sa future ko naman ito pero... ewan! Nakakainis!

I'm ready. Naka-denim pants ako, white crop top shirt, naka pastel gray tote bag, sneakers, at naka-ponytail ang buhok. Light make-up lang din ang nilagay ko sa mukha ko dahil PE namin ngayon, ayaw kong pagpawisan ang mukha kong may make-up. Mamaya nalang after class ako mag-aayos.

I am definitely so plain today pero mukhang nagustuhan pa ito ng Emeril dahil napatitig ito sa akin. Inirapan ko nga.

"Breakfast mo?"

"I'm skipping. Wala akong gana." sabi ko habang sinusuot ang aking sneakers. "Mauuna na ako sa sasakyan."

Lumabas ako ng condo at napansin ko naman na sumunod siya sa akin. Tahimik lang kami sa sasakyan kasi wala rin talaga ako sa mood kausapin siya. Ang sakit ng puson ko!

"I'll see you lunch time, okay?" aniya at tumango lang akong lumabas ng sasakyan nang marating ang parking lot.

I don't really want to act this way kaso sa tuwing tila tinutusok ang tiyan ko, naiisip ko si Emeril, naiinis ako. Isang araw lang naman ang hinihingi ko at nakakainis talaga iyong nag-iinarte lang daw ako sa paningin niya. Ewan!

Nang makarating ako ng classroom ay agad akong napaupo sa upuan ko na katabi ng kay Stephanie. Nag-uusap sila ni Anton.

"Issa, good morning!"

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon