Episode 44: Worth the wait
"Hindi ba simpleng dinner at home lang with your tito and family ang magaganap, Issa? Bakit naman—"
"Hon, please? I want to look good! Can you stop nagging me about how I dress and wear my make-ups? Bakit naman hindi ka pa nasasanay?!"
Nakakairita talaga. Wednesday night at inimbita kami nila tito na sa bahay nila mag dinner. It has been a long time since I last visited their place who used to be my second home, lalo na kapag naglalayas ako sa bahay! Isa pa, aside sa catching up dinner iyon, business dinner din iyon kasi makikipag-usap ako kay tito patungkol sa showbiz comeback ko na matagal ko nang hinintay! I want to work already! And with all that being said, I need to freaking look good!
"Sige na! Tatahimik na! Pero let me tell you, we are running late. Sa sala lang ako." aniya tapos umalis na sa kuwarto.
Seven in the evening ang dinner time at six thirty na. I understand why he's behaving this way pero gusto ko lang naman presentable akong haharap kanila tito! Na makita niya man lang na I can still look fabulous kahit na stress sa school! In that way, hindi siya mag-aatubiling bigyan ako ng projects dahil nakakaya kong ibalanse! Ganoon lang naman iyon at totoo naman, I feel like I can make it through! Kaya kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Nang ma satisfy na ako sa buong look ko ay lumabas ako ng kuwarto at nadatnan kong nakasandal si Emeril sa sofa at nakapikit ang mata, ang O.A. naman! Nakatulog talaga?
"Hon? Let's go," I said to wake him up and he did. Agad siyang tumayo at napatingin sa kanyang relo. "I know we will be late, okay? Nasabihan ko na si Tita na matatagalan tayo ng kaunti! She said okay lang daw kasi naghahanda pa siya! Tamang-tama lang ang steak na sinabi kong dala natin and that she baked something for dessert too!" masiglang sabi ko pero si Emeril, tumango lang. Wala sa mood dahil sa akin, alam ko naman. "Sorry, hon!" I said as I held his hand. "Hindi na ako magrarason, okay? Kasalanan ko kasi mabagal akong kumilos, at ang arte ko! Sorry na, h'wag ka na magalit." paglambing ko.
Somehow, I learned to compromise when it comes to him on random times. Syempre, ayaw ko man magpatalo sa argumento most usually ay natutunan ko na rin naman na hindi sa lahat ng bagay ako ang kailangang manalo, na hindi ko kailangan ilaban ang sariling pananaw ko lalo na at alam ko naman na mayroon din talaga akong mali na ginawa. Marunong na akong tumanggap ng pagkakamali at pagkatalo...again, just for Emeril, for now.
"Hindi naman ako galit sa kung paano ka mag-ayos o manamit. Ang akin lang, the preparations! Kung ganitong matatagalan ka sa pag-aayos, dapat nagsimula ka nang mas maaga para hindi tayo ma late! Ang usapan natin sa tita mo, seven! Anong oras na? Dapat alas tres pa lang nagsimula ka na mag-ayos!"
Iyong bibig talaga minsan ng lalaking 'to, Nakakapikon! Nilalambing ko na nga!
Napairap ako. "Oo na, mali na nga ako! Sorry na nga and don't worry, hindi na mauulit! Okay?"
I saw him sigh, "You don't need to shout, hon! I can hear you clearly," humirit pa talaga, e.
Hindi na ako sumagot pa! Kung hindi lang talaga importante ang gabing 'to, makikipag-away ako sa lalaking 'to, e! Nakakabanas!
"Kukunin ko na muna ang steak," aniya.
Nasa tapat na kami ng isa sa mga restaurant branch ni Tito Nikko. Mas malapit ito sa kung nasaan nakatira sila tita kaya hindi na kami sa main branch bumili. And, right, ngayon na lang ulit nagsalita si Emeril sa akin. Seven thirty na kaya alam kong mas tumitindi lang ang inis niya sa akin! Hindi ko naman siya masisisi kasi kasalanan ko naman talaga pero ganitong inaakto niya rin, e.