Episode 39

626 97 78
                                    

Episode 39: Jealous
(An: Unedited. Sorry sa typos :) )

Nag-ayos ako ng mga gamit ko and I'm sharing a bed with Stephanie which is okay naman talaga sa akin kesa si Tanya katabi ko, 'di ba? Mamaya tabunan lang ako ng unan habang tulog ako, no way! Tsaka, this is only for two nights, no big deal!

"Issa, Steph...mauuna na kami ni Tanya lumabas ha? You know the meet up place! See you there na lang!"

"Got it! Mag re-retouch lang ako then susunod," sabi ko. Maglalagay na lang naman ako ng facepowder.

"Issa, hindi ka pa tapos?" si Stephanie, "Hinahanap ka ni Dexter, tinatawag ka raw ni Emeril!"

"Huh? Bakit daw?"

Agad akong napalabas ng kuwarto at nadatnan ko si Dexter sa labas. "Bakit? Nasaan si Emeril? Nauna na ba? Tsaka, bakit ikaw nandito?"

"Pinakiusapan lang ako ng boyfriend mo! Grabe, atake naman agad!" natawa ito. "Mukhang hindi maganda pakiramdam ng jowa mo, puntahan mo nga!"

Agad akong napairap. Kung makautos naman.

Hindi na ako lumingon pa kay Dexter at pumasok na sa kuwarto ni Emeril. May tatlo kama at isa na nga rito ay hinihigaan ni Emeril.

"Hon, ano? Matutulog ka lang ba buong gabi?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. He looks really tired while lying on his bed.

Napatingin siya sa akin sa halos hindi niya na maidilat na mga mata. "Is it okay kung mas pipiliin ko ang matulog na muna kesa sumama sa inyo sa dinner,hon?"

Bahagya kong naitaas ang aking kilay sa aking narinig mula sa kanya pero kalmado naman akong nakamasid sa kanya. Sa estado niya ngayon, halata talagang mas gugustuhin niyang humilata na lang buong gabi. Mukhang lalagnatin pa nga ata, e! Napabuntong hininga ako. "If you're that tired, ano pa ba ang magagawa ko? Ayaw kong namimilit sa taong alam kong mapipilitan lang kung sakali!" I responded and sighed once again. "Osya! Sige na, matulog ka na lang muna but I'm taking some food for you, hindi puwede magpaliban ka ng kain, okay?"

He looked surprise. "A—are you sure, hon?"

"Hmmm, okay lang sa akin! It's not that I'm going all alone! Nariyan naman sila Stephanie, don't worry about me!" I smiled, "Any request for dinner?"

"Anything will do, hon. Ikaw na bahala! Thank you!"

Napairap ako. "Nagagawa sa iyo ng pag-aaral, Emeril!" I jokingly said, "I have to go, okay? I'll see you later, hon."

Aalis na dapat ako pero bumalik din para halikan siya. I don't know, I just really want to do that—Yeah, it'll only feel weird if I don't.

Nang makalabas ako ng kuwarto ay nadatnan ko si Stephanie na nasa sala ng buong space namin. Infairness, hindi rin naman nila ako iniwan.

"Bff, how's Emeril? Is he sick? Kailangan niya ng gamot? I brought some! You know, first aid stuffs?"

"I checked, wala naman siyang lagnat! He's just really tired and just really wants to sleep lang! Naningil iyong katawan kasi laging nagpupuyat sa pag-aaral! Grabe lang! Hindi ako maka-relate!" I chuckled a bit.

"Natural na natural lang iyan kay Emeril! Loko 'yon! Ayaw na ayaw maungusan ko sa top spot, e! Minsan pa nga nilalagnat pa iyan!" natatawang tugon ni Dexter, "Pero seryoso, magiging okay din 'yan, Issa! Isang lambing mo lang diyan, magiging okay din 'yan!"

"Sabi mo, e!" sabi ko na lang.

Dumiretso kami sa meet up place at nadatnan nga namin sila Kassy, Tanya, at Anton. Agad kaming lumapit sa kanila at napansin kong napatingin sa amin si Tanya na para bang mayroong hinahanap which is pretty obvious! Alam ko namang hinahanap ng mga mata niya si Emeril. Sino pa ba?

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon