Episode 60: Burdens of the past
Kinabukasan, nagising akong wala na si Emeril sa tabi ko. Obviously, nasa baba na ito dahil alas diyes na rin ng umaga. Bago ako bumaba ay nag ayos na muna ako ng aking sarili and when I'm done, nag check na ako ng social media accounts ko at pagkabukas ko ng cellphone ay may iilan akong text patungkol sa trabaho, kay Stephanie na nakiki-update sa bakasyon, and Jarred and Emeril's texts.
Inuna kong basahin ang message ni Emeril.
From: Emeril
Siya: Hon, I went out. Hinatid ko na muna si Emith kanila Grandpa at may pinapabili si Nanay for dinner later. Hindi na kita ginising kasi mahimbing ang tulog mo. H'wag na makipag-away sa akin, sayang energy! I love you, feel at home and don't leave the house while I'm away. Sumunod ka sa akin. I love you ulit.
Agad akong napaismid. Nagmukha akong isip bata sa mga bilin niya. Napairap na lang ako sa kawalan bago nag reply.
Ako: Oo na. Ingat ka, hon at nang ma claim mo rewards mo! Ikaw din, sayang! 😉 I love you.
Ako: Ay busy, walang I love you too. ☹️
Natawa ako nang isend ko iyon dahil nangaasar lang naman ako. Busy pa siguro iyon.
The next message I read was from Jarred. Mediyo kinakabahan ako sa laman ng text niya but I read it anyway.
Siya: Issa, good morning. Puwede ba tayo mag-usap ulit? Alam kong nag promise na tayong hindi na magkikita at mag-uusap pa pero importante lang ito. Ikaw na bahala kung kailan at anong oras, darating ako. -Red
Bumuntong hininga ako at napag-isip. I need to decide quick. Malapit na ang outing kasama ang Austin family at gusto kong maging magaan na ang pakiramdam ko by that time kaya kailangan ko ito.
Huminga na muna ako ng malalim bago mag reply sa kanya. I need to end this once and for all. Jarred needs to know my dad's side at kaya ko naman back-upan iyon gamit ng mga nalalaman ko. I admit, nagi-guilty talaga ako sa nangyari sa amin ni daddy and that clearing his name to Jarred and Jasper is something I must do for him, makabawi man lang ako sa nagawa ko.
Ako: Sige. Marami rin akong gustong sabihin sa iyo.
Siya: Salamat, Issa. Kung kailan ka bakante, sabihan mo lang ako, darating ako.
Ako: Ngayon. Bakante ako ngayon. Magkita tayo sa cafe.
Siya: Sige. Salamat ulit.
-
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit makikipagkita sa akin si Jarred. I admit, I'm curious about it kaya umu-o na rin ako. I have lots to tell him too about my dad to clear his name kaya hindi ko na papatagalin pa and I know for sure na kailangan kong ipaalam kay Emeril ang tungkol dito kahit na alam kong hindi siya papayag kasi alam kong gusto no'n samahan ako. Kakasabi niya lang na h'wag akong umalis, wala man lang isang oras—Nasuway ko na agad.Oh well, hahayaan ko nalang na awayin niya ako mamaya.
"Hon?" si Emeril nang masagot niya ang tawag ko.
Nasa sasakyan na ako ngayon and heck, nahihiya ako dahil ang plano ko'y mag-ga-grab na lang ako pero nang makapag-paalam ako'y hindi ako pinayagan at nag insist sila na ipag-drive ako kaya hindi na rin ako nakatanggi. Sabagay, malayo ang meet up place namin ni Red kaya okay na rin 'to.
"Hon, umalis ako ng bahay niyo! Don't worry, hinatid ako ng driver niyo. I'll be back in a few hours siguro! Mamaya na lang tayo mag-usap, okay? H'wag mo na akong alalahanin."
![](https://img.wattpad.com/cover/177198843-288-k580298.jpg)