Episode 33

712 108 116
                                    

Episode 33: Fear

---
ps: not edited. sorry sa typos agad hehe
--

My first class isn't starting yet kaya nag excuse na muna ako sandali sa prof. namin na kararating lang. Malayo ang dean's office kaya for sure, male-late ako sa klase mamaya pagbalik ko! Kung hindi ko naman pupuntahan si Issa ngayon, it's going to be a mess and as her listed guardian, she's my obligation.

Bukod sa kinakabahan ako sa kung ano ang nangyari, nag-aalala ako. What happened? Bakit galit na galit ang tunado ni Miss Jenny kanina? Why is Issa there?

This is crazy!

Nang marating ko ang office ni Dean ay nadatnan ko si Stephanie sa labas nito. She looks a mess too at mukhang maiiyak pa ata.

"Hey, Stephanie, right?"

"Emeril! Hinahanap mo ba si Issa?"

I nod. "Where is she? Why are you two here? May nangyari ba?" I asked questions with pretty obvious answers.

"Nagkagulo sa klase namin kanina at..."

"Emeril! Pumasok ka rito!" si Miss Jenny kaya hindi na rin natapos sa pagsasalita si Stephanie. "Miss Stephanie, bumalik ka na sa klase mo!"

"Yes po, dean! Sorry po ulit!" anito, "Aalis na ako Emeril, ikaw na muna bahala kay Issa."

Nang makaalis si Stephanie ay pumasok na ako sa opisina ni Miss Jenny at nadatnan ko si Issa roon. Mediyo magulo ang buhok, magulo ang damit, at tila may mga kalmot siya sa may leegan niya. Likewise for her—opponent,I guess. Mas magulo ang buhok na pilit niyang inaayos, magulo rin ang damit, and may tila sugat ito sa may gilid ng bibig.

Did Issa caused this mess?!

"Issa, what happened?" I asked nang makalapit ako sa kanya. "What is this all about?"

"Miss Diana, you can now leave my office! Be sure to stop by to the clinic para magamot ang sugat mo! Ayaw ko nang maulit ito, understand? This is my last warning."

"Yes po, dean. Sorry po ulit." aniya't umalis na.

Naiwan kaming tatlo sa loob ng opisina. Issa was silent, hindi niya ako matingnan sa mata. Mukhang alam ko na agad sino may kasalanan,ah! But of course, I don't want to judge her without hearing the real story.

"What happened?" I asked

Bumuntong hininga si Miss Jenny at tila napairap sa kawalan. "You can ask her about it later but as for me, my decision to punish her for what she did to Diana is inevitable! Tinawagan ko na ang school canteen, it'll close by 6pm kaya you have to clean the dishes by then! This is a warning for you Miss Elizalde, kahit boyfriend mo pa si Emeril, hindi ko pa rin ito mapapalampas! Understand? I do not condone violence in this institution!"

"I get punished for something na hindi naman ako ang nauna? My friend was bullied—Fine, if that's how rules are done in this school!" si Issa at mabuti na lang ay lumihis siya ng kanyang sasabihin dapat nang mahina kong sinipa ang sapatos niya. Her reasonings won't help! I know Miss Jenny well.

Naikuwento nga sa akin na dati nang istrikto si Miss Jenny pagdating sa pagdidisiplina ng mga estyudante! Kahit sila Tatay noon ay hindi nakalusot at hindi umubra sa kanya at well, surprisingly, nalaman ko rin na madalas ding nakakabisita si Nanay at naparusahan dahil na rin sa pakikipag-away, weird, right?

Pinalabas na kami ni Miss Jenny sa opisina niya at ngayon nga ay tahimik na naglalakad sa hallways papuntang clinic. I can't believe I missed a subject for this! Unang araw pa lang ng regular class, e! And right, this is first time! First time na ganito ang dahilan!

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon