Episode 24

639 99 122
                                    

Episode 24: Threat

"Okay ba?" si Issa.

Yes, Issa has been cooking for me, taking care of the household chores all by herself, and just simply giving me all the time to study! Oo, seryoso talaga siya at dalawang araw na siyang ganito!

Weird, oo! Pero sa totoo lang, naeenoy ko! May pinagkakaabalahan din ang isang ito kahit narito lang siya sa condo kaya mediyo nakampante ako. She's very diligent in learning how to cook kaya hinayaan ko na. Minsan pa nga, naririnig ko siyang nakikipag-video call kanila Ate Maggie, e! Ayos!

"Hmm, I like this one! Sakto lang ang lasa." I said honestly. Nagluto siya ng menudo for our lunch.

"Really? Hindi siya matabang, right? O hindi naman siya masyadong maalat?"

"Nope. Sakto lang siya para sa akin! Balance kumbaga."

"Okay! Good! I'm planning to cook something for our vacation trip—I mean, sabi sa akin ni Tita Monique at ni Tito Elijha, na kasama ako—and because of that, gusto kong magluto or maybe bake something as a thank you! What do you think?"

"Are you trying to get their ratings for your cooking? Nasabi sa akin ni nanay na excited siyang matikman ang mga niluluto mo! She's looking forward to it! Sinabi ko sa kanya kung gaano ka kaseryoso sa pag-aaral magluto and even sent her pictures of you in the kitchen!"

"Huh?! Seryoso?" namilog ang kanyang mata sa gulat. "Nakakahiya! Nag-aaral pa lang akong magluto, Eme! Pabida ka rin, e! I—iyong simpleng putahe pa lang ang alam ko,"

Natawa ako. "Kalma! You don't need to pressure yourself! Maiintindihan naman ni nanay at sasaya iyon sa kahit na ano man ang ibigay mo sa kanilang niluto mo! Isa pa, the whole family is there so better, damihan mo na."

Napaupo siya sa may silya na katabi ko. She looks tense.

"Never mind the idea na lang kaya? Next time na ako magluluto kapag confident na ako! Isa pa, sabi mo nga, the whole family is there! Nakakahiya lang kung hindi naman talaga masarap! Come to think of it, naroon din ang family ni Tanya at si Tanya! Baka ma-judge ako!"

"So? Don't mind it, okay? Isa pa, I'm your foods' living witness that they all tasted safe and delicious! No pressure, Issa! Tsaka, hindi naman sila ganoon, they will appreciate whatever is served to them!"

"I'll think about it! Sabagay, dahil sa naging post mo na nag-aaral akong magluto, marami nga naman ang naging proud sa akin! Ano sila ngayon, maganda na, marunong pa magluto! Tsaka, marunong din maglinis, at maglaba kahit papaano! Isang Issa Elizalde 'yan, ha!"

Nagulat ako the last time dahil dinagsa ng maraming notifications ang cellphone ko. My followings went so high that I needed to turn my account private for a while. Iyong naging post ko patungkol sa kanyang pagluluto the other time ay nag viral sa social media! I didn't know that posting that on Instagram as well will create such a fuss but yeah, it did and while there were haters on the comment section, binaha naman ng papuri si Issa na ikinasaya niya! Artista nga naman itong girlfriend ko—minsan kasi nakakalimutan ko.

"Do as you please, okay? If you don't feel like it, don't do it. Mas maganda iyong willing ka sa ginagawa mo para maayos ang kakalabasan! Basta, don't pressure yourself, okay? Nanay and everyone else can wait! Marami pa namang pagkakataon, e! It will not be the last family gathering that we'll have kaya chill." natatawang sabi ko.

Napaismid siya."Syempre sa inyo, hindi! Sa akin? It could be my first and last family event with every one of you kapag kunyare, hindi tayo nag work! 2 years is still far, marami talagang puwedeng mangyari! So, fine! I'll try my best to bake something for them! I still have time para makapag-practice!"

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon