Episode 37: Outing
----
Pakiramdam ko'y umiikot ang buong paningin ko. Antok na antok ako ngayon, gusto kong matulog.
"Hoy, okay ka lang, pre?" si Dexter, "Kanina pa kita nakikitang wala sa sarili sa klase, ah! Antok na antok ka ata? Ayaw mo talagang malamangan kita, e! Aral nang aral ba, pre?"
Bahagya akong natawa. "Cut it out! Wala lang akong tulog, hindi dahil sa nag-aral! I'm feeling exhausted, gusto kong matulog!"
"Walang tulog? Why? May nangyari ba? Kumusta si Tito?"
"Tatay's fine! Marami lang akong ginawa kagabi, natagalan akong matapos kaya kinulang na sa oras matulog! H'wag ka nga tanong nang tanong!" sabi ko na lang dahil antok na antok ako! Pakiramdam ko'y ang gaan ng ulo ko bigla, naduduling na rin ako.
No regrets though. Kahit nahihirapan ako sa nararamdaman ko ngayon, at least, nagawa kong gawin ang mga kailangan ni Issa sa eskuwela at kahit na hindi ko na dapat ginawa iyon, nakikita ko naman na nagsisisi siya sa nagawa niya't siguro naman, hindi na uulit magpabaya iyon. Dapat lang.
"Osya, hindi na kita iisturbohin pa! I suppose hindi ka na mag rerecess niyan! Maiwan na muna kita at gutom ako, may ipapabili ka ba?"
Napailing ako. "I just want to sleep, layas na." sabi ko na lang.
Gusto ko lang talaga matulog ngayon at may isang oras pa ako para roon.
"Emeril, may naghahanap sa iyo," paggising sa akin ng isa sa mga kaklase ko.
Napasulyap ako sa may pintuan at nakita ko roon si Issa. Yeah, she's here all of a sudden! This is her first time here, anong meron?
Agad akong napatayo para puntahan siya. Mukhang kinailangan pang mag make-up 'to bago pumunta rito, e.
"Hon, what are you doing here?"
"I texted you," she said.
Agad akong napakapa ng aking bulsa para kuhanin at tingnan ang cellphone ko at meron nga siyang text message sa akin.
"I was sleeping, hindi ko na napansin!" sabi ko at napapabinat pa ako ng aking mga buto-buto dahil nangangalay ito dahil sa posisyon ng pagtulog ko. "Why are you here?"
"Bawal?"
Napatingin ako sa kanya na tila iniexamin ang inaasta niyang 'to. She looks serious but shy, yeah, nahihiya—which is rare for her. "Not at all, hon. I'm just surprised that you're here, that's all."
"I came to bring you this," anito sabay abot ng isang paper bag mula sa isang cafe na nasa school. "Nakita ko iyong friend mo at sabi nga niya hindi ka mag rerecess and that you chose to sleep! Basta, ayan na."
Napangiti ako. "Thank you! Hindi mo na kailangan gawin ito, ang layo pa nang nilakad mo."
"Bawal ba mag effort? Wala ka naman sigurong tinatago rito, 'di ba?" she raised an eyebrow. Napapansin kong napapatingin siya sa paligid namin. Sabagay, marami rin naman kasing nakamasid.
Bahagya akong natawa. "Not really, I appreciate this. Thank you, hon." sabi ko na lang habang napapangiti sa kanya dahil mukhang aawayin pa ako, "How was everything in class? Okay ba iyong mga ginawa ko?"
I'm starting a conversation right now kasi hindi naman magandang ideya na pauwiin ko siya agad sa department nila, ang layo ng nilakad niya.
She sighs. "Thank you ulit sa ginawa mo and sorry for making you do that for me, hindi ka tuloy nakatulog! Y—you didn't have to do that though, it was my assignments and I..."
![](https://img.wattpad.com/cover/177198843-288-k580298.jpg)