Episode 27

577 92 124
                                    

Episode 27: Farewell

ENDURE, ito lagi ang sinasabi ko sa sarili ko simula nang makauwi ako rito sa Pilipinas. I've cause someone pain, I chose to hurt the person I love.

Hindi ko alam kung paano ko kinakaya pero kahit papaano, nagagawa ko naman, ang hirap nga lang. Sobrang hirap.

"Oh, Tanya! Ano, kumusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" si Tito Mokya.

I'm now at our cottage. Nadatnan ako ni tito rito mag-isa. Everyone's got their businesses to take care of. May mga naliligo na at ang iba naman, hindi ko alam kung nasaan. Well, my mom and dad are still resting lalo na't hindi pa sila nasasanay sa time zone.

Ngayon nga'y kasama ko si Tito Mokya, kakaahon niya lang mula sa pagkakaligo sa dagat.

"I'm okay now, tito! I rested well and was able to drink some medicines, I'll be joining everyone on the beach later, nagutom lang ako." I said while giggling after. True, nagugutom naman talaga ako.

"Eat well, okay? Marami pang pagkain diyan, should I heat them up for you?"

"Naku, tito! Don't bother na! I'm good with whatever there is! Thank you po sa offer!" nakangiting sabi ko. "Babalik na po kayo sa dagat?"

"Hmmm, in a while. Sasamahan na muna kita rito! Naligo lang ako saglit para mawala ang init ng katawan ko't napaaga sa inuman! Alam mo na, kailangan kumalma at mas matinding party pa ang mangyayari mamaya! Ganitong mediyo nagkakaedad na, dapat sakto na lang!" anito at natawa.

"Dad's probably resting too so he can join everyone later! Surely, he misses everyone kaya hindi na po ako magugulat kung makikipagdamagan din siya sa inuman! He misses it a lot dahil hindi niya na nagagawa roon sa amin! He rarely hangsout dahil wala naman siyang ibang kaibigan! He goes out with some of his employees too sometimes pero not really near here!" sabi ko

Natawang muli si tito."Of course, he needs to catch up! Sobrang tagal namin itong hinintay kaya hindi puwedeng mag-inarte iyon! Don't worry though, magaling mag kontrol ang daddy mo sa inuman, even when we are young as you all are, he knows his limits—kaya nga tigalinis namin 'yan!" he story-telled.

My dad's past stories always excite me, you know, hindi ako makapaniwalang naranasan niya ang mga iyon noong kabataan niya...and you know, he has actual friends like my titos! Growing up, nasanay ako sa pagiging seryoso ng daddy ko. He's strict and serious almost all the time kaya minsan hindi pa rin ako makapaniwalang barkada niya sila tito, mga pasaway, e!

Of course, nalalambing ko naman si daddy at nilalambing niya rin naman ako! He isn't that showy but I know that he loves me just as any father should. Protective din siya pero hindi naman nakakasakal. They are really opposite with my mom.

In fact, I can say that I am more of a daddy's girl kesa mommy's girl.

"Hindi na po ako masusurpresa kung maisipan ni daddy na magpasobra sa inom mamaya, iyon pa, he misses this life so much! Not to mention na rito na ulit siya titira, sobrang lapit na sa inyo. I'm happy for my dad!"

Bahagyang natawa si tito. "Oo nga, kami rin, masayang-masaya! Biruin mo, halos 20 years din technically nawala'y sa amin si Tanix, e simula noong mga bata kami, magkakasama na kaming apat, e! But anyways, the parting time is over—nandito ulit siya, kumpleto na ang tropa at syempre, nandito na rin kayo ng mommy mo! Hindi na kayo mahuhuli sa ganap!"

Napangiti ako. "Oo nga po, e! Mediyo na late na nga po, e! Dapat last year pa ako rito for college pero okay lang, at least nandito na ako!"

Suddenly, recalling the moment where everything started to be so complicated on my part hurts. If everything didn't happen, I would have been the happiest now. It would have a dream come true, and would not be like a living nightmare. This feeling of emptiness would have been non-existent.

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon