Episode 48

597 80 67
                                    

Episode 48: A price to pay
---

"Hon, si Thea! Thea, my boyfriend... everyone approved, si Emeril!" si Issa at pinapakilala niya sa akin si Thea, ang kanyang personal assistant.

She look okay at mukhang kasundo ni Issa at iyon naman ang importante sa akin.

"Nice to meet you! Ang pogi sa personal! May kuya ka pa?" she said, smiled widely and offered me her hand.

I smiled back, reached her hand—we shook hands. "Meron..."

"Meron pero mga taken na lahat! Tsaka, please lang, Thea! Ang guwapo para lang sa magaganda! Kumalma ka!" pagsingit ni Issa sa usapan at ihiniwalay niya ang aming mga kamay. This girl.

"Ay gano'n? Maganda naman ako, e! Puwede ako sa mas bata sa akin ng five years! Meron pa?" she said and laughed

I chuckled. "Meron..." I playfully said at naisip ko si Emith. That guy, I don't think he can ever consider being in a relationship lalo na't masyadong introvert iyon lalo na ngayon. Of course, hindi naman magiging bago sa kapatid kong 'yon na maraming magkagusto sa kanya! He was a former basketball player just like two and three kaso malabo pa rin.

"Meron? Teka, si Emith?" Issa is indisbelief. Siguro nga'y imposible nga rin sa kanyang isipin na magka-girlfriend iyon kapatid kong iyon. "Nah, hindi ka papansinin no'n! He has his eyes locked into someone kaya maghanap ka na lang sa iba, h'wag ka na sumubok!"

Mediyo napataas ang isang kilay ko nang mapatingin ako kay Issa. What is she even saying about number five?

"Grabe ka! Nagbabakasakali naman at kung may available edi mai-ireturn to send ko iyong jowa ko!" Thea laughed

"Eh?! May boyfriend ka na?" Issa is in more disbelief. Ang oa ng reaksyon,e!

"Hoy! Melissa Dione! Grabe ka sa reaksyon mo! Ano, ikaw lang may karapatang magka-jowa?! Ako rin 'no! Mag tatatlong buwan na kami! Nauna lang kayo ng kaunti,"

Judging from how Thea and Issa are interacting, I can say, close nga naman sila at sa tingin ko'y makakampante akong iwan na muna si Issa sa kanila.

"Hon, enjoy and take care, okay? I'm just a one call away! Susunduin din kita pagkatapos mo ng taping at basta, mag-iingat ka! Okay?"

Napaismid ito. "Alam mo..." it seems as if she's about to say something about how I treat her, kesyo masyadong protective! Wala e, ganito talaga ako lalo na sa kanya. "Mag-iingat ako para hindi ka mag-alala! I will constantly update you during break time at mag rereply ka sa akin whenever you're free! Stop with the judgement, okay? Alam ko rin naman na magiging busy ka sa review niyo pero sinasabi ko lang sa iyo as a clear warning Emeril Austin, distansya kay Grace! Baka mamaya...ayusin mo mga desisyon mo sa buhay!"

Issa and her never ending accusations, na naiintindihan ko naman! I know clearly she's just being playful.

Napangiti ako. "Sinasabi mo! By the way, Iyong napag-usapan natin about the scenes, hon..."

"Kakausapin ko si Art, okay? Ako na muna bago ikaw! Got it!" she smiled widely.

"Got it! Okay, sige na! I need to go at mukhang kayo rin, kailangan na umalis! I'll see you soon, hon! Ingat kayo!" sabi ko and gave Issa a hug and even stole a quick kiss on her forehead kaso napatingin ito sa akin and well, I know this kind of look now. "I love you," I uttered after the quick pecked on her lips.

She gave me the brightest and widest smile. "I love you too! Ingat, hon!" she said gently.

"Talagang naglalandian sa harap ko! Sana all, 'no? Naku! Melissa Dione, h'wag ka nawa'ng ma-bokya ulit! Solid nito! Baka mental na—Osiya, ako na nga ang inggit! Tara na nga at namimiss ko jowa ko! Ang haharot!" si Thea sabay bitbit niya ng iilang mga gamit ni Issa.

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon