Episode 13

527 76 244
                                    

Episode 13: Risk
--
ps: unedited. sorry sa mga errors na mamabasa niyo 🙏

--

"Issa, maligo na tayo?" si Ate Mia nang marating namin ang resort ng pamilya nila Emeril.

Ang laki at ang ganda ng tubig! Hindi siya white sand but the good thing about it is malinis ito, gusto ko na rin talaga maligo. Kailan nga ba ako huling naligo o nakapunta man lang sa mga resort na katulad nito? Hindi ko na tanda. Mukhang sa isang taping ata iyon na mayroong beach scene.

We don't usually go to places like this as a family too, madalas sa restaurant lang.

Napatingin ako kay Emeril pero ayun siya busy sa mga gamit namin. "Sige Ate, magbibihis lang ako, sasamahan ko na rin muna si Emeril." sabi ko.

Among everyone in the family, Ate Mia is really the nicest! Sobrang bait niya at makulit! Si Ate Maggie, okay naman siya, mabait din kaso mediyo maypagka-seryoso, si Ate Debbie naman, mabait din kaso sobrang mahinahon, malumanay at tahimik, exact opposite ko nga ata e.

Sa mga lalaki naman, given na na maayos at masayang kasama ang Austin twins. Gaya nga nang sabi ko, kilala at kaibigan ko na silang maituturing noon pa man. Si Kuya JM, aminado akong guwapo siya kaso sobrang nakakatakot ang awra! Tahimik lang siya at madalas lang nakatingin sa 'yo, ang istrikto niyang tingnan at sabi nga ni Emeril, suplado raw at mukhang totoo nga pero nakakatuwa sila ni Ate Mia tingnan. Si Emith, as usual, tahimik lang siya, iyong parang sakitin, na parang weirdo sa mga pelikula, ganoon. Pero, yup, napakagwapong weirdo!

Ang mga tito ni Emeril, well, makukulit! Feeling ko nga halos magkakaedad lang kami kung mag-usap! Sa NayTay naman (Oo, makiki-naytay na ako), sobrang bait nila. Mediyo may pagka-istrikta si Tita Monique pero over all, mabait pa rin siya. Si Tito Elijha naman, parang sobrang masayahin lang, close na close siya sa mga anak nila! Actually, ang babata nila tingnan, parang magkakaedad lang sila ng mga anak nila! Hindi katulad ng daddy ko at ng asawa niya, halatang may edad na.

Over all, maliban kay Mere, ramdam ko naman na tanggap nila ako bilang girlfriend ni Emeril kahit na sabihin nating may nauna silang ginusto para kay Emeril, I appreciate na maganda pa rin ang pagtrato nila sa akin. Yes, alam ko naman kumilatis ng tao 'no! Hindi ko naman ramdam na pinaplastik lang nila ako at talagang salamat naman kung ganoon.

About that girl named Tanya, ayaw ko man siyang isipin kaso hindi ko rin maiwasang hindi. Everyone's telling me about her, how they thought Emeril and her were a thing, a perfect LDR couple, pero ayun nga, nag break na raw sa tingin nila't months ago, may pinakilalang boyfriend iyong babae sa birthday party niya at lahat daw sila na shock. Ramdam kong nasasayangan sila sa relasyon nila sa totoo lang at nag stalk nga ako sa facebook account nito, maganda—pero mas maganda ako.

Actually, hindi naman ako masyadong bother sa nakaraan ni Emeril, like? Why would I? Mag-ex naman na sila, may kanya-kanyang jowa na! Ang tanging concern ko lang ay ang katotohanang hindi malabong isang panakip butas lang ako, it's not that I mind, pero naaawa rin naman ako kay Emeril! Kahit wala siyang sabihin sa akin, alam kong nasasaktan pa rin siya. Hindi iyon madali.

Alam ko, alam kong hindi madaling makalimot ng isang taong minahal mo, naranasan ko na ang bagay na iyon. Oo naman, na-in love na rin naman ako. Na in love ako sa isang lalaking nilaban ko mag-isa, oo, ako lang ang lumaban. Naiwan ako sa isang punto ng buhay ko na kung saan kailangan ko ng karamay. Pero, duh, I have moved on! Sa isang Issa Elizalde na katulad ko, hindi uso sa akin ang magpaka-broken ng matagal no! Ano sila, sinisuwerte?

"Woah, ito magiging kuwarto natin?"

"Bakit, tingin mo ba cr to?"

Napaismid ako. "Ah, so sinama mo 'ko para sa mga pangaasar mong hindi nakakatawa,'no?" sabi ko sabay hampas ko sa may braso niya. Nakakabwisit.

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon