Episode 49: Past is past
---Read AN---"Oh, bakit naman ang aga e nakabusangot ka na riyan, 'nak?" si Tatay at bitbit niya ang kanyang tsaa. Nasa terrace kaming dalawa ngayon.
"Wala naman, tay! Si Issa lang kasi, mukhang gagabihin ng uwi mamaya! Ganitong may klase siya bukas, nagtatrabaho pa."
"Ano, sunduin na ba natin? Nasaan siya ngayon? Tagaytay? Baguio?"
Bahagya akong natawa. "Tatay talaga!"
"Bakit ka natatawa? Seryoso ako! I was that crazy before kaya maiintindihan ko at susuportahan kita kapag nag desisyon kang sunduin natin si Issa!"
"Salamat, tay! Pero syempre hindi natin iyon puwedeng gawin kung gusto natin ng world peace!" natatawang sabi ko, "But I'd probably consider that next time, I'll inform you!"
"Ganyan din ako sa nanay mo noon kaya gets kita! Perks of being in love, no wonder! Saan pa ba kayo magmamana?" natatawang sabi niya
"Syempre naman kay King!" I proudly exclaimed. "Kumusta, tay?"
"Okay naman! Mediyo bored kasi walang masyadong ginagawa pero naisip kong mas bigyang pansin si EL na tulungan sa trabaho niya. Kawawa iyong kapatid mong iyon! I think he's too young to hold a responsibility that huge! Kung hindi lang ako sakitin at maganda lang ang record ko hindi ko siya papagurin sa ganoong responsibilidad! He should have been enjoying his life,"
"Tay, you are doing your best and for sure alam ni Kuya EL iyon! Isa pa, sabi naman ni Tita Laura, mas naging maayos na ang kumpanya ngayon, 'di ba? Kuya EL is doing a great job at kahit malayo siya sa atin, for sure, darating din ang araw na puwede na siyang umuwi kung gugustuhin niya! Trust kuya EL! Magaling iyon and that he likes what he's doing!"
"Oo, naman! Bilib nga ako sa inyo lahat, e! Parang ang dami kong pagkukulang sa inyo pero lagi niyong pinaparamdam sa akin na okay lang kayo at kaya niyo! Salamat sa inyo,"
Tatay's weird.
"May problema ba, tay? Si Nana ba?" I asked
"Hmmm, mediyo at si Emith na rin!" bahagya itong natawa. "Nana's in and out of the hospital kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Natatakot ako at some point lalo na kapag sumasagi sa isip ko na matanda na sila ni Tatay Mario and that...oh well, ayaw ko na masyadong alalahanin pa. Sabi nga ng nanay mo, everything happens for a reason and whatever happens, happens. May mga bagay talagang hindi natin kontrolado."
"I understand, tay! Pero h'wag ka masyadong mag overthink, please? Nana is a strong woman! Inaalagaan din siya nila Tatay Mario and everyone in the hospital! Everything will be okay, tay! Si Nana pa ba?"
"It's like a nightmare but it is something I need to be brave about kaya I'll be counting on you, my children, from now on! I needed the strength."
"Kahit malayo ako, kami ng iilan sa mga kuya ko, tay! One call away, darating kami, okay? You have us whenever you feel like you're being left out! Si Nanay, andiyan din! Number one cheerleader mo iyon, e!"
"Everyone will come except for one, I guess."
Natahimik ako saglit but I know who he meant. "He will come, male-late lang pero he will come! Male-late kasi walang cellphone, ganoon lang, tay!" I managed to laugh.
"Have you talked to Emith?"
Agad akong napatango. "I gave him a limit until today! Kung hindi pa rin niya ako tatawagan, ako na pupunta sa kanya! You know that guy, ayaw niyang pinupuntahan siya roon kaya for sure, tatawag iyon! Sasabihin ko agad sa kanya na kailangan mo kami, he needs to be here,"