Episode 4: Move out
Pagkatapos ng lunch meet up namin ng Emeril na iyon ay tumungo agad ako sa artist company kung saan pinatawag ako ng aking manager dahil mayroon daw kaming meeting with the president, most likely for a project. I'm excited for sure lalo na at matagal na rin akong walang ginagawang trabaho, matagal na akong nagpapahinga—mga 2 months na rin.
"Oh, Mel! Anong ginagawa mo rito? That's new, akala ko nag retire ka na!" natatawang tugon nito.
Napataas ako ng kilay sa aking narinig sa naging tugon ng isang tao mula sa likod ko at nang makalingon ako'y tama lang talaga ang pagtaas ko ng kilay. It's William, a talent of this company just like I am, and I hate this guy for being too full of himself lalo na ang kapatid—
"Sinong nariyan? Oh... Hi Issa, long time no see means long time no project! Mukhang meron this time? Thank God! Too long absence is not good, you know!" ang kapatid niyang si Celeste, mediocre artist katulad ng kuya niya.
"Hirap na hirap kang mag english, te! Kalma!" Bahagya akong natawa. "I needed the two month break! Aside from the never ending issues thrown at me last year, masyado rin akong over work! Hindi puwedeng tuloy tuloy lang ang trabaho hindi puwede walang pahinga! Isa pa, kahit isang taon pa akong magphinga o maraming taon, hindi naman ako umaasa sa kinikita rito, I only work to kill time! Something you two can't relate! See you around, my meeting pa ako! Bye!" I said sabay irap ko sa kanila nang patalikod na ako.
The two are really popular these days dahil sa isang reality show na sinalihan nila! What is, nagpabida't puro kaartehan lang naman ang ginawa nila kaya nanalo sila! Isa pa, they look down on me even before we were in elementary days—yup classmates ko sila—kaya hindi na bago na sa tuwing nakikita ko sila'y nangaasar lang sila. As if. Hindi rin naman ako nagpapatalo sa kanila, who are they anyway? Mga trying hard.
"Oh, Issa! You are un usual early today!" sabi ng isa sa mga staff.
"Oh, Issa! Long time no see!"
Kung makangisi sila sa harapan ko ngayon akala mo hindi ka pinagtsitsimisan, e. Ang iilang bumati, hindi ko na pinansin, ang iilan ay ngumiti naman ako kahit kaunti. Mga plastik! Tse!
"Melissa Dione, thanks for being early!" ani ng aking manager nang makapasok ako sa opisina niya, si Art. Yup, lalaki.
"Hi, Issa! Long time no see!" bati sa akin ni Thea, ang aking road manager slash assistant na rin. Okay naman siya, minsan may pagka-shunga nga lang.
Napaismid ako sabay upo sa aking swivel chair. "Long time no see, e noong isang araw lang, nagkita tayo ah!"
"Ay oo nga pala! Pero ewan ko, masaya lang talaga akong makita ka ngayon na maaga! You are two hours early for the meeting!"
"That early?!"
"3pm pa naman kasi ang meeting!"
"Akala ko 1:30pm?!"
"Change of time, may sudden meeting daw si President kaya na resched! I texted you though, kaso hindi na seen."
"May naging lakad ka ba?" si Art.
"W—Wala! I was just craving something kaya napadaan ako sa favorite restaurant ko! What's with the meeting? May bagong project na ba finally?"
"I think so. You see, the last project didn't do well the last time kaya pinagiisipan nang maayos ang susunod na project mo, the president and the bosses wants to discuss about it thoroughly,"