Episode 40: Ex-boyfriend
"Dito naman." si Stephanie na aliw na aliw kakapicture sa amin ni Emeril. Nasa may buhangin kami't nagpo-photoshoot.
Nasa isang resort kami na hindi masyadong matao para naman kahit papaano'y maeenjoy namin ang buong lugar. Si Emeril? Hindi naman siya umaayaw sa mga pinapagawa ni Stephanie sa amin pero alam kong he doesn't like this at all. Wala siyang choice.
"Okay na muna, Steph! Maligo ka na muna kasama nila, susunod kami." si Emeril
"Osige, I missed this so much!" anito at masayang napatakbong lumusong sa dagat. "Hoy! Dexter! Saglit!"
"Maligo na rin kaya tayo?" he asked
"Puwede! Pero...0kay na ba talaga pakiramdam mo ngayon? Hindi na masakit ang ulo mo?"
Napangiti siya. Kinikilig pa ata sa pag-aalala ko. Malala na siya. "I'm the Emeril you like more than ever now, okay na ako." sabay kindat niya.
Sobrang lala.
Napaismid ako. "Ito na nga ba kinakatakutan ko, e! Ganitong nahuhulog ka na sa akin, nakakabahala! Baka mabaliw ka na nang tuluyan sa akin, ah!" I joke and sat beside him. "Seryoso ako, okay ka na ba talaga? Ang totoo."
Natatawa siyang nakakaloko na animo'y nakakatuwa ang sinabi, hindi naman. "I am, really! And thank you for taking care of me, hon. I mean it. Isa pa, you know me, hindi ako magpapanggap na okay ako pero hindi naman pala! Trust me. Don't worry anymore." napapisil siya sa pisngi ko.
"Okay! So, puwede na tayong sumakay sa kayak? You and me! Tsaka, may life jacket naman kaya wala kang dapat ikabahala! Puwede rin tayong sumama sa kanila mag snorkling! Ang daming adventures dito and Kassy is ready to book us whatever there are! Go ba?"
"Bet ko! Gusto ko rin talaga ma-try! Wala akong partner pero...Bff, willing ka naman sumakay again with me, 'di ba?" singit ni Stephanie, kasama na ulit namin siya.
Tumango ako bilang pagpayag sa naging tugon ni Stephanie. I don't mind. Wala nga naman siyang partner sa amin ngayon! Come to think of it, iyong Dexter...naka'y Kassy ang atensyon at iyong Anton naman, I warned him about Tanya having a boyfriend pero...bahala na nga siya sa pinagagagawa niya! Siya naman iyong aasa,e! As his friend, I did what I did already.
"Osige na, fine! Basta magdamit kayo ng maayos for it. Tapos na rin naman tayo sa photo shoot na 'yan kaya hindi na kailangang maging showy kayo sa mga pinamili niyong mga ganyan, okay na iyon!"
As usual, kanina ko pa siya napapansin na napapatingin sa suot kong swimwear. Hindi naman bago sa akin na umaayaw siya sa mga suot kong 'to! Isa pa, madalas namang wala na siyang nagagawa tulad na lang ngayon. Sexy two piece na mediyo litaw ang butt-cheeks which is hindi naman bago. "I'm wearing my shorts again, don't worry!" sabi ko agad pero napatingin lang ito ng masama sa akin, "Edi, fine! Magsusuot na rin ng tshirt mo na hindi na bigay ng ex-girlfriend mo, okay na?" napairap ako.
"Oh, may ex-girlfriend? Sino?" si Stephanie na nasa camera ang atensyon. Sana hindi niya ako masyadong narinig.
"Someone you don't know, Steph! Pero don't worry, mas maganda naman ako! Tara na, magbihis na tayo and start the adventures! Sasabihan na rin namin si Kassy na sasabay tayo sa kanila! Thanks, hon!" I said and kiss him.
Nagmadali kami ni Stephanie na bumalik sa hotel unit namin para magbihis at baka magbago isip ng walang'ya! Kanina ko pa gustong isingit sa kanya ang tungkol do'n sa mga adventures at finally, nasa mood na talaga siya at pumayag! Sinuot ko ang aking beach short at naghanap na rin ng tshirt sa bagahe ni Emeril. Inalis na ni Emeril ang damit niyang bigay ni Tanya at ang sabi niya, wala nang ano pa mang bigay ng ex niya na dala niya. Good.