Episode 20

577 73 75
                                    

Episode 20: Enough

I was very casual with the whole set-up. Again, hindi naman ako apektado sa presensya ni Tanya ngayon. This is inevitable lalo na at parte siya ng pamilya. Hindi puwedeng maiwasan. Hindi ko lang talaga kinaya iyong ginawa ni Emeril.

He let go of my hand intensionally, I feel it. Pagkakita niya kay Tanya, bumitaw siya kaagad. I'm not hurt but surely, I'm pissed. Lalo na siguro ngayon, tahimik siyang kumakain at pasimple lang kung makatingin sa plato ko at paminsan-minsan, bibigyan niya ako ng pagkain sa plato, binalatang hipon, gano'n.

"I'm glad that you'll be staying here for quite a long term now, Tanya! Akala ko, hindi ka na tuluyang pinayagang mag-aral dito! Iyong mommy mo, lagi akong kinakausap about your plans, college and stuffs! Mabuti naman at pumayag na ang grandparents mo this time." si Tita Monique. Close din siya kay Tanya at ganoon din si Tanya sa kanya.

"Oo nga, tita! Matagal ko rin kinumbinsi sila grandma about the idea! Wala namang problema sila mommy lalo na si daddy! He wanted to come home ever since but yeah, this happens! Mapopospone na muna ang pag-dodoctor ko for the business." anito.

"Sayang talaga, baka naman puwede pang kumbinsihin? Huling hirit?"

"I need to try hard for that matter, tito! Pero, so far, okay lang naman ako sa kondisyon! At least, I'm here now. I get to experience the life dad has always wanted! He misses everyone!"

"Kailan uuwi sila Tanix dito?"

"Next month ata, tita? I'm sure for now, but one thing is for sure, excited na iyon! Mom's going to be in and out of the country for work, so as dad. Pero, okay lang naman. Everybody happy!" natatawang tugon ni Tanya. She's very comfortable now.

"Sayang ate, dapat same course at nang sabay na rin kayong mag do-doctor ni Kuya Eme! Pangarap niyo iyon, 'di ba?"

Nakita kong bahagyang nahiya at nag-alangan iyong Tanya sa pagsagot ng tanong ni Mere. Paano, kaharap lang naman namin siya ni Emeril ng puwesto ngayon sa dining area. Si Eme? Heto, tahimik lang, wala ata sa mood! Siya pa nag iinarte, sarap tadyakan!

"Okay lang 'yan, Mere! You heard her, mag dodoctor pa rin siya, postponed lang! At least, iisang department naman kami kung nagkataon, andoon pa nga si Kassy, may kasama pa rin ang ate Tanya mo!" pagsingit ko. Kailangan kong iparamdam sa batang ito na ako ang girlfriend ng kuya niya, kasama ako sa kuwento, kasama ako.

Nakita kong bahagyang umirap si Meredith sa akin,"Still, it's their dream." nag rason pa. Gusto ko tuloy irapan. Kung wala lang mga magulang nito, aba. Gagawin ko talaga.

Napaka-insensitive lang ng bata 'to! Parang hindi makaramdam! Obviously, ex girlfriend kung tutuusin ng kuya niya itong Tanya, sinaktan ng babaeng 'yan ang kuya niya. Tapos aartehan ako? Ako na girlfriend at nagbibigay saya at inspirasyon sa kuya niya?! Tampalin ko kaya 'to?!

But then again, ano nga ba ang alam niy? Nila? Nasabi nga sa akin ni ate Mia na they feel like mayroong special connection ang Tanya at Emeril. They feel. Hindi sila sigurado. Sabagay, ako nga lang at itong Emeril at Tanya lang ang nakakaalam, and the rest, haka-haka lang.

Kahit na! Sana naman hindi ganitong sobrang halatado itong inaasta ni Emeril 'no! Hindi ko makalimutan ang ginawa niya kanina! Ganun na lang ba kadali agad? Paano kung sabihin ni Tanya na mahal niya pa si Emeril, wish he dump me like a hot potato to get back to her?

Malamang.

"M-masaya naman ako sa desisyon ko, at least nakauwi na rin ako rito at pati na rin si daddy, matagal na no'n gustong umuwi, e." si Tanya.

"Sabagay, everything can wait. Own pacing nga naman! Tsaka, marami nang absent ang Tanix na iyon sa mga tropa events namin, muntikan na namin ma-friendship over! Kinidnap bigla si Tanix ng mommy mo, e!" si tito Elijha. For some reason, the mood became a little less awkward. I guess tito is saving the mood.

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon