Episode 50

719 100 92
                                    

Episode 50: Prize
-unedited-

"Hon, nasaan ka na?" Tanong ko kay Emeril. I called him kasi ang sabi hanggang alas tres lang ang klase niya pero mag-aalas singko na, wala pa siya.

"Wait lang, nasa pila pa."

"Oh, okay! Pizza with lots of cheese and my favourite beers! You know the drill!"

"Copy! I'll see you in a bit! And please keep in mind that I'm only letting you eat and drink these junk foods this time, okay?"

"Oo na!" Napairap ako sa kawalan. "Should we watch some movie tonight? Isang movie lang, hon! Date naman diyan,"

I heard him sigh. Napaka-oa at strikto talaga ng Emeril na 'to. "Okay! Pero I'm not done with you yet! Mag-uusap pa rin tayo, okay? May gusto lang ako klaruhin sa iyo, marami akong hindi maintindihan."

"Oo na! Bilisan mo na riyan at miss na kita!" sabi ko na lang.

Hindi ko maiwasang hindi ma-istress sa pag-uusap na gaganapin! Like, is he going to stop me from making an acting comeback? Dahil ba sa nagpuyat ako at kulang sa pahinga? Kulang talaga sa dilig ang Emeril na ito, sure na. I mean, hindi siya kulang sa aruga kasi alam kong mahal siya ng NayTay kaya sa dilig, oo tayo.

Oh well, kahit masasabon ako ng bunganga ng Emeril na iyon mamaya ay nag-ayos pa rin ako ng aking sarili. Syempre, dapat maganda pa rin ako kahit pagod at nasa bahay lang 'no! Isa pa, naglinis din naman ako ng bahay kahit halatang nakapaglinis na si Emeril. Naglaba rin ako ng mga gamit ko na dinala sa shoot and everything is cleaned! Sakto lang pag-uwi niya at makikita niyang hindi lang ako humilata buong araw.

"Hon!" I called as soon as he entered our condo unit. Kinuha ko sa kanya ang bitbit niyang pizza box. "Woah! I'm so hungry na! My favourite!"

He has started to really know me. My likes, favourites,my cravings, and even the things I dislike! He learned them all and still willing to know me deeper, dama ko. I can see his efforts really well.

"Is that okay for dinner? Magluluto ako if you want? Or should we order online? May gusto ka bang kainin, hon?"

Napailing ako. "I'm fine with these, hon! Ikaw, may gusto ka bang kainin?"

"Chickens for the beers, I'll order a bucket."

"Good idea! Nakapili na ako ng papanoorin nating movie! Excited na ako,"

"Did you get enough rest? Hindi ka puwedeng magpuyat ngayon, may pasok ka na bukas! We need to be early in school tomorrow kasi maaga ang call time namin."

Napatingin ako kay Emeril. "Call time? For what?"

"Magsisimula na ang competition namin sa Tagaytay at kailangan namin pumunta roon ng maaga! We can't waste time."

"Tagaytay? Aalis kayo bukas?"

"Hmmm, may competiton kami sa quiz bee kasama sila Dexter, remember? Two days and 1 night at pinakiusapan ko si Nanay na sa bahay ka na muna para naman hindi ka mag-isa rito sa condo, okay lang naman, 'di ba?"

"Talagang na plano mo na, hindi mo pa nga nakukunsulta sa akin? Ibang level ka rin talaga! But no need! Manonood ako ng competition mo! We can just book our own room there! 1 night lang naman," I suggested. Okay naman na kanila Emeril na muna ako if ever pero syempre mas gusto ko kung kasama ko siya sa bahay nila.

"You can't go and watch, hon! May klase ka niyan! Sabi sa akin ni Stephanie mayroong kayong quiz kanina pero nakausap niya na iyong prof. mo na bigyan ka ng special quiz! I have here your notes from her, you have to study these. Isa pa, just like last year, may live broadcast naman online sa school page kaya puwede kang manood doon,"

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon