Episode 19

524 69 48
                                    

Episode 19: Surprise

Dumating kami sa bahay nila Emeril at sinalubong kami ni Ate Mia, "Issa!" agad bati niya sa akin habang karga ang kanyang baby na si Ethan.

"Ate Mia," bati ko sabay beso na rin sa kanya at mahina kong pinisil ang pisngi ng baby niya. "Ang cute naman ng baby namin,"

"How's the exam? Ngayon ang entrance exam niyo, right?" she asks.

Kahit pa siguro ayaw kong pag-usapan ang patungkol sa exam, hindi ko rin naman maiiwasan.

"Mediyo mahirap pero mukhang kinaya naman, sana nga," nakangising sagot ko. I'm hopeful for a positive result. I am a positive and confident person—aminado ako, ngayon lang ako sinusubok. Ang hirap naman kasi talaga! 'nyeta!

"Think positive! I'm sure magiging maganda ang resulta! You prepared for it, I'm sure it's going to be worth it,"

"Sana nga, ate! Baka mamaya, kung hindi ako makapasa, madepress lang itong Emeril kapag hindi niya ako nakita kahit ilang oras lang!" biro ko at bahagya akong natawa sa reaksyon ni Ate Mia. Para kasi siyang kinikilig, parang lang.

"Issa," si Emeril nang lumapit ito sa amin ni Ate Mia, nagmula siya sa grahe nila para maiparada ang sasakyan niya. "Kung ano na naman pinagsasabi mo kay Ate, e!" aniya, "Ate, h'wag ka masyadong magpapaniwala rito! Pagod lang 'to!"

Napairap ako. "Hayaan mo na nga lang kami mag-usap ni ate Mia! Nakikiepal ka pa, gustong-gusto mong magpapansin talaga sa akin, e!" sabi ko pero inirapan niya rin ako. Napaka-arte ng lalaking 'to!

"Naku, Issa! Austin din si Emeril kaya natural sa kanila ang maging clingy! Ganyan din sa akin si JM, hindi lang talaga halata pero kapag kami lang, sobrang clingy din! Heto, nagka-baby EJ kami!" si Ate Mia at tawang-tawa siya sa sinabi niya, "Don't worry too much about Issa, number four! Ako na bahala sa kanya, magkukuwentohan lang kami. Nasa grocery pa si Nanay, kasama si Maggie. Hindi ata nila inakalang mapapa-aga kayo,"

"Okay sige, kayo na muna riyan at aakyat na muna ako sa itaas. Issa, akin na ang mga gamit mo, iaakyat ko na sa kuwarto and if you want to change, you know where to go, nasa kuwarto lang ako." anito at tumango lang ako at iniabot ko sa kanya ang bag ko.

"Susunod ako mamaya," saad ko na lamang at umakyat na nga ng hagdan patungo sa kuwarto.

"Ang saya niyo tingnan ni Emeril! Kumpara noong una ko kayong nakita at nakasama, mas nagiging malapit na kayo sa isa't-isa at masaya ako. Sobrang gaan niyo sa paningin." si Ate Mia. Nasa sala kami ngayon at nagkukuwentohan. Nakatulog"ako kanina sa sinehan kaya naalis na rin ang pagod ko kahit papaano.

"Talaga? Kung alam mo lang ate, katatapos lang namin mag-away kanina." natawa ako nang bahagya, "Not really away dahil mukhang ako lang naman ang nangaaway sa kanya! He was just listening and calm at nakakairita! Nawawalan ako ng karapatan mag taray sa kanya tuloy!" kuwento ko.

Napangiti si Ate Mia, "Ganyan naman si Emeril. He is like JM but softer and calmer version of him, I guess. Mabait at tahimik lang. He can be playful at times but most of the time, kalmado talaga. He is nice to me lalo na noong bago pa ako sa pamilya nila. Lahat naman sila lalo na si Emith pero syempre, except kay Meredith! Matagal din ang hinintay ko para magustuhan niya ako para sa kuya niya. She was extra with JM, sobrang mahal niya kaya sobrang nasaktan din noong nalaman niyang may girlfriend na ang kuya niya." kuwento ni ate Mia and well, this is what I like most when I'm here. Gusto kong nakakarinig ng mga kuwento patungkol sa pamilya nila Eme, ang saya kasi pakinggan.

"Meredith hates me, ramdam ko. Sa tingin ko, may ibang gusto siya para sa kuya niya. It's not like she gets to decide but kapatid pa rin siya ni Emeril kaya minsan nakaka-bother pa rin," saad ko at totoo, mediyo sumasagi sa akin minsan kung paano ako sinusungitan ni Mere.

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon