Episode 7

564 63 222
                                    

Episode 7: Miss you

Gabi na nang maisipan namin ni Issa na tapusin na muna sa araw na ito ang mga gawain. We've been working for almost the whole day kaya damang dama na ang pagod.

"Should I order our dinner? O mas gusto mong kumain sa labas?"

"Umorder ka na lang, I'm so tired, baka dito na lang muna ako matulog."

"Seryoso ka?"

"Not really! Ano ka ba? Hindi malamang! Wala naman akong damit dito, e ang dungis dungis ko na. Tsaka, iyong mga listahan ng kulang nating gamit nasa phone ko, isend ko na lang sa 'yo. Kailan natin bibilhin iyon?"

"When are you available?"

"Puwede bukas agad! Mas gusto kong tumambay dito kesa sa bahay namin. Hiyang na nga ako sa unit na ito, it feels like home to me now. Nakakaramdam na ako na ayaw ko nang umuwi sa bahay talaga. Pero kung gusto mo naman magpahinga na muna, it's okay. Puwede namang ako na lang mamili ng mga kulang bukas, magpapasama na lang ako sa road manager ko."

"Hindi ka ba pagod? You've been complaining every now and then of how tired you are,"

"Kahit pagod ako, I can endure everything basta makaalis lang ako sa bahay! Once we finally finish everything in here, ililipat ko na ang iilang gamit ko. I can move here first, sumunod ka na lang when you feel like it. Okay lang sa akin,"

"I'll move here same as you. This will be our house for two years kaya sasamahan kita."

Napatingin siya sa akin. "Invested ka talaga 'no?" natawa siya. "Eh paano ang parents mo? Mukhang ayaw ka ata nilang pakawalan! Seems to me, hindi naman talaga nila gusto ang ideya na ito, ikaw lang? Bakit naman?"

"Nakausap ko na ang nanay at tatay ko. Totoo, they don't like the idea but they support my decisions no matter what. Isa pa, I promised to visit them often, every weekends siguro."

"Okay din talaga siguro sa pakiramdam iyong ramdam mong may pumipigil sa 'yong umalis 'no? Kesa iyong kulang na lang ihatid ka na sa paroroonan mo para makaalis na. Sana all. Pero, bakit nga gusto mo 'to? Na pumayag ka sa contract? Sa fixed marriage? I mean, ang guwapo mo, mukhang mabait ka naman talaga, malamang maraming nagkaka-crush sa 'yo!"

Ang dami niyang tanong. I'm not even sure if I need to answer those.

"Umorder na muna tayo ng pagkain. It's almost 8pm, gutom na ako." I said at kinuha ko na muna ang cellphone ko na nakapatong sa coffee table na nasa sala. "Anything you like to eat?"

"Pizza."

"For dinner?"

"Yup. Gusto ko lang pizza with lots of cheese please?"

"No rice? Masyado tayong pagod today, you need to feed your—fine. But you should eat a lot of healthy food, Issa."

"Future doctor ka nga!"

"And you are? Future pasyente ko?"

"Pasyente? Hindi asawa?" she ask, here she goes again.

"It depends, eitherways, I'm still going to be part of your future." sabi ko, "I've ordered already."

"Mga pinagsasabi mo riyan, Emeril!" napairap siya. "So, ano na? Wala ka bang balak sagutin ang mga tanong ko kanina?"

"Like what?"

"Like, bakit ka nag decide na talagang pumasok at pumayag sa contract, sa fixed marriage e against naman ang pamilya mo sa bagay na ito tapos hindi niyo naman na kailangan! Nasa steady pace na ang kumpanya niyo over all, 'di ba?"

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon