Episode 12: Regrets
--
Happy Easter Sunday! 🐇
--Hindi na rin naman nangulit si Issa sa mga tanong niya just as she said. I hope I can manage to make her understand that whatever there is with Tanya and I before, it shouldn't matter to us anymore. That's it.
Kinabukasan ay nagising akong wala si Issa sa tabi ko. Agad akong napabangon at nag check sa banyo, wala siya. Nagmadali akong lumabas at bumaba at nadatnan kong kasama niya ngayon sila Kuys EL sa veranda, nag-uusap at nagtatawanan. Ang aga pa, e. Nasa alas otso pa lang.
"Oh, Emeril!" si Issa at napapakaway ito sa akin.
Lumapit ako sa kanila. Nagkakape na sila.
"Anong oras na, Emeril! Pinagod ka ba nang husto nitong Dione na 'to at talagang ikaw iyong pagod na pagod?" si Kuys Eero at natatawa ito sa sinabi niya.
Napaupo ako sa tabi ni Issa. "Pinagsasabi mo, Kuys!" pagsita ko. "Issa, nakatulog ka man lang ba? Ginising
mo sana ako...""Hep! Bago ka magtalak diyan, namahay lang ako kaya ang bilis ko rin nagising tsaka, nauhaw ako kaya bumaba ako para uminom ng tubig! Ginising kita pero hindi ka naman nagising! Sarap na sarap sa pagyakap sa akin, nag-inarte pa kagabi!" natawa ito.
I noticed how my two brothers are looking at us. It's as if they are confirming if Issa and I really get along well or if we really meant pursuing these kind of stuffs.
Napaismid ako."Sa 'yo ba 'to?" I meant the coffee infront of her.
"Hmm," she answers
Kinuha ko ang kanyang kape at ininom. I tasted it and it's actually good. Hindi naman sa mahilig ako sa kape pero umiinom naman ako lalo na noong malaman kong it keeps me awake at times when I'm studying.
Wala namang naging reaksyon si Issa sa ginawa kong pag-inom ng kanyang kape. But my brothers' do.
"Naks! Seryoso talagang nagkakasundo kayo!" si Kuys EL. "Eme, alam mo ba itong si Issa, nakita ko ito sa isang bar dati, lasing na lasing! Nagwawala! Stress na stress iyong bodyguard niya! Ano nga ba nangyari sa 'yo no'n? Broken hearted?"
"Eh? Hindi mo pa talaga ako tinatantanan patungkol do'n, ah!" natawa si Issa. "Ang tagal na no'n! Nakakahiyang alalahanin,"
"Bakit? Seryoso bang broken hearted ka noong time na iyon? Akala ko ba, you broke their hearts instead?" natatawang pangaasar ni Kuys Ee. Nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Kung alam ko lang na andoon kayo, hindi ako mag dadrama doon!" natawa ako. "Hindi naman sa broken hearted ako ng mga sandaling iyon, it's more like a family problem! Emeril knows about my family background kaya kalma Eme, wala kang dapat pagselosan sa akin."
I didn't really expect Issa can be this blatant about her own personal story. She's really talkative.
"Ayos, ah! Past is past na ba lahat iyon?" natatawang tugon ni Kuys EL na parang nangaasar ulit.
Close nga silang tatlo.
"Kung maka-lahat naman! Mga na-link lang sa akin ang mga iyon, alam mo na! Maganda ako kaya madalas nalilink at hindi na bago! Tsaka, matagal na akong single, okay?! Eh kayo, may himala pa nga talaga at napagkalooban kayo ng seseryoso sa inyo, 'no? Who would have thought na maagang matatali ang famous Austin twins lalo ka na Eero!"
"Grabe 'to! Pero syempre, mabuti na iyong maaga natali para naman iwas na sa kasalanan 'no! Tsaka, ikaw din naman, ah! Ihanda mo na sarili mo kapag natali ka nang tuluyan sa Emeril na 'to, baka pagtirikan mo ng itim na kandila sa quiapo nang magkusang galawin ang baso! O 'di kaya unahan mo na!"