Episode 11: Guilt
"Emith!" rinig kong sigaw ni Ate Mia. Oo, kahit na malayo pa lang, alam kong si ate iyon and I'm right. I'm seeing her approaching us with so much excitement.
Napansin kong napahigpit ang hawak ni Issa sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko napigilang mapangiti na para bang matatawa. Issa look so tense. Nawala bigla ang yabang, e. Nahihiya pa pala ang isang 'to.
"Emeril! Hi!" si Ate Mia nang makarating sa amin pero agad yumakap kay Emith. "Emith! Imiss you! Miss na miss!" aniya rito.
Ate Mia and Emith have always been the closest to each other ever since but just like I am, Ate Mia's redeeming herself too! Both of us are waiting for Emith's acceptance and by then we can all go back to the old and usual. Mukhang malapit na rin naman.
"Emeril! Emith, anak!" si Nanay na agad din yumakap kay Emith pagkatapos ni Ate Mia. They miss this dude so much, sobrang dama.
Halos lahat lumapit kay Emith. Paano e almost 3 months na rin noong huli itong umuwi rito sa bahay, holiday season lang tapos bumalik din agad sa probinsya. He's adjusting and coping up well after everything that had happen. Mabuti na lang talaga't sumama siya sa akin. Wala rin siyang cellphone kaya hindi siya madaling icontact. He refused to use one kahit na anong pilit at alam ko naman kung bakit.
"Oh?" nakita kong napasulyap sa amin si Kuys Eero, "Ito na ba iyon, Eme?! Teka... Issa?! So, seryoso nga?" just as I expected, this guy knows her. Iyon din naman ang sabi ni Issa sa akin. "Bal, kilala mo 'to, 'di ba?"
"Oh, Issa?! Walang' ya! Totoo talaga!" si Kuys EL.
"Grabe makatitig, ah!" si Issa and well, she's sounding like someone who really knew my brothers. Confirm nga. "S—seryoso naman talaga, ako nga ito! Bakit ba ayaw niyo maniwala?! Nakakabanas, ah!" she managed to sound tough kahit halatang kabado at nahihiya.
"Hanep! Sinong mag-aakalang sa susunod na pagkikita natin, hindi na sa mga party house kundi sa mismong bahay na namin ang venue at ang lagay, naging jowa pa ng kapatid namin!" natawa si Kuys EL, "Magkakasundo man lang ba kayong dalawa? Sigurado ka bang hindi mo kakainin ng buo 'tong kapatid ko?"
"Oo nga! Hanep! Ibang combo ata 'to! Kakayanin mo ba ang topak nito, Eme?!"
"Kuys, please stop it! It's too early to tell, nagsisimula pa lang kami ni Issa," pagsingit ko. Ang layo na bigla ng usapan.
"Ang seryoso mo naman!" natatawang sita ni Issa sa akin. "Pero, oo nga naman! Tama si Emeril! Tsaka, h'wag kayong mag-alala, okay? Ifufully convert ko itong Emeril na'to! You will be proud, makita niyo!" ngising tugon ni Issa.
Napailing na lang ako. Na-stress ako bigla sa mga pinag-uusapan nila. Hindi ko masakyan.
"Issa! I'm glad you are here! Sorry at hindi kita naasikaso kanina! I was just too excited for Emith, iyong kapatid nila." si Nanay at napabeso siya kay Issa. 'Tsaka na muna kayo makipag usap sa mga barakong ito, kumain na muna kayo! Eme, asikasuhin mo si Issa, okay? Give her what she needs at aasikasuhin ko na muna si Emith," si Nanay, finally, napansin niyang nandito rin kami.
"Ako na bahala, nay! And please, kalmahan mo lang si Emith at baka kumaripas nang uwi 'yan!" natatawang sabi ko.
"Oy! Nak, asikasuhin mo nang mabuti si Issa! Maraming pagkain doon! Issa, feel at home, okay?" si Tatay na napansin din kami.
Of course, I understand. They both misses my brother and for them, having Emith around is a very rare chance now kaya gusto ko rin na sulitin nila ang pagkakataong ito.