Episode 6: Future
--
Emeril's P.O.V
"Oh, anak! Bakit gising ka pa? Hindi ka ba pagod? Magpahinga ka na."
"I can't sleep, nay! Kukuha lang ako ng gatas sa baba." saad ko.
Nagkita kasi kami ni nanay sa may hallways mula sa mga kuwarto namin, parehas kaming pababa at papuntang kusina.
"Umupo ka na lang riyan, I'll prepare one for you." anito nang marating namin ang kusina.
"Salamat, nay! How's tatay? Okay naman ang naging check up niya?" I ask
Mas nagiging madalas ang check up ni tatay ngayon ever since a major attack that happened last year. Sobrang lala na inakala naming lahat na madidisgrasya siya't... hindi kami handa. It was so scary to even recall.
"He's doing fine. Mediyo may kaunting contraction pero siguro nag-aalala lang at dahil sa pagdadrama niya sa sitwasyon nating pamilya but don't worry, there is nothing to worry about." nanay smile habang napapatango ako. "How was your day with Issa? Naging maayos ba ang pamimili niyo?"
"Good to hear that, nay. And about today with Issa, it did, suprisingly! We had a few arguments over some choices pero in the end, naayos din naman kaagad."
"I see, mabuti naman kung ganoon. In no time, aalis ka na ng bahay at lilipat na! Be sure to visit us whenever you can, okay? You promised me! Kinausap ko na rin ang Kuya Eero mo, he said they'll visit more often too! Mabuti na lang at nandito na rin ang Kuya JM mo! Naeenjoy kami kay EJ! But I'm still going to miss this house with you in it."
I sighed. Ramdam ko ang lungkot ni nanay. "Bukas, magkikita ulit kami ni Issa para ayusin ang mga pinamili naming gamit sa condo. It's going to be the two of us again kaya sorry, nay! I'll send you pictures, okay? And like I said, I will visit more often too!"
"So, malapit na nga kayong lumipat doon? Then, that's sad."
"Nay, hindi naman malayo ang condo, e. You can visit us there too! When everything is official, I can assure, nothing will really change. Don't worry, okay?"
"Alam kong hindi ka gagawa ng sakit ng ulo kaya hindi na ako mag-aalala pa! Basta, always remember na kapag may kailangan ka o mga tanong, itawag mo agad sa akin! And by the way, uuwi ang Kuya EL mo for a short break, baka naman puwedeng sunduin mo si Emith at pauwiin na muna, okay ba iyon?"
"Ako na bahala sa batang iyon, nay! Don't worry about him too much! Kinukumusta ko naman siya lagi kaya alam kong nasa maayos siya! Let's just give him the freedom that he wants kasi kahit papaano mayroon namang pagbabago! Magiging maayos din lahat." I said with confidence.
"Thank you, anak! Sige na, matulog ka na after you drink your milk, okay? Aakyat na ako sa taas at inaantok na ako. Good night!" anito sabay yakap sa akin.
I kiss nanay's forehead. "Good night, nay! I love you."
Nang maiwan ako sa kusina ay nag-iiscan na muna ako ng phone ko. I'm not sleepy kaya naisipan kong mag check ng social media accounts ko. I said that I have them pero hindi ako active. I was forced to create and joing the trend kasi nga para sa school. Kailangan kasali ka sa group chats and all there is in this modern world or else you'll be left out. I don't know, siguro nakikita ko sa dalawang kuya ko how chaotic their world are lalo na sa online world kaya siguro hindi ko nahilig sa ganoong bagay. I am pretty reserve as a person just like Kuya JM pero hindi naman ako KJ at mainitin ang ulo katulad niya. Oo naman.
As soon as I opened my facebook app, bumungad sa akin ang iilang picture updates ni Tanya. Friends pa rin naman kami rito. It was a picture of her holding a bouquet of white flowers, her favourite, while candidly smiling not looking at the camera with a caption: Thank you, you made me the happiest. 💜 She looks happy, I'm glad and that she is.
![](https://img.wattpad.com/cover/177198843-288-k580298.jpg)