Episode 64: See you soon
"So, paano ba 'yan? Nakapasa ako, hon!" masayang tugon ko kay Emeril nang sinagot niya ang tawag ko.
"Ang saya mo pa, ah!" aniya't mukhang mainit ang ulo! Aba!
"Syempre! Ang hirap kaya ng exam! All efforts paid off! Pinaghirapan kong aralin lahat ng puwedeng aralin 'no! Hindi ko inexpect na makakapasa ako but I did anyway kaya tuloy na tuloy na ang pag-aaral ko sa U.S! Puwede naman 'di ba? Pinapayagan mo naman ako, 'di ba?"
"We'll talk about it later, hon! I'll see you." si Emeril na halatang napipikon na at pinatay ang tawag. He haven't change a thing, napipikon pa rin siya sa mga banat ko and I guess that's something that I like to do to him! Ang pikunin siya!
"Grabe, so tuloy na tuloy na sa U.S ang mag BFF?" si Anton. "Pumayag si Emeril?"
Hindi ko napigilang magtaas ng kilay. Si Emeril talaga inaalala, e!
"Okay na 'yon! Tutuloy kami ni Stephanie! Sayang iyong opportunity 'no! Isipin mo na lang kung gaano katagilid ng grades ko, nakapasa pa! Tsaka, isang taon lang naman!"
"Dapat talaga sumali ka rin sa exam Anton, e! Para hindi na mag-alala si Emeril, may bantay kami ni Issa!" si Stephanie and good for her, mukhang nakapag-move on na talaga siya kay Anton lalo na noong inamin ni Anton sa amin na opisyal na siyang nanliligaw kay Tanya but sadly, he had to wait for her—Mga pa-epek sa buhay—until she's ready. Isa pa, issue ang parents ni Tanya lalo na kay Tita Michelle kaya ganoon din ang labanan.
Bahala na nga sila! I just hope that Tanya will eventually learn to fight for the one she loves—Kung may gusto siya kay Anton, h'wag na kay Emeril, malamang. Tsaka, if wala namang mapapala si Anton kay Tanya, then when he gets over her, sana makahanap siya ng babaeng para talaga sa kanya—iyong BFF ko gano'n.
"May varsity slot ako, sayang naman iyon kung mawala! Puwede niyo naman i-share sa akin ang mga matututunan niyo sa akin, e! And please lang, mag-ingat na kayong dalawa gayong kayo lang ang naroon! Wala ako, wala si Emeril."
"Naks! Lakas maka-feeling boyfriend sa BFF ko, ah!" natatawang hirit ko pero iyong Stephanie, kunyare 'di natatablan!
"Tara na nga at mag-aayos pa tayo ng gamit! We can't miss our flight." si Anton. I don't know but I feel like na-se-sense na rin niya ang mga hirit ko sa kanya! I mean, hindi naman siguro siya manhid and I guess my efforts are paying off well because I want to remind him in a subtle way na mayroong babaeng humahanga sa kanya, that he doesn't have to fix his self into someone who's not ready for him...Well, bahala nga sila! Eitherways, I'd be happy for Anton—he's a good friend of mine at tila nag-iisang lalaking pinagkakatiwalaan ni Emeril patungkol sa akin.
"BFF, I'll see you in school tomorrow! Sobrang happy ko! Bukod sa seminar, sobrang saya ko sa naging bonding natin! Congrats din sa result ng exam, sabi ko naman sa iyo, e! Papasa tayo!"
"Oo na! Kailangan pa ba kitang i-congrats e alam ko naman na papasa ka una pa lang, nasa top 10 pa nga!" natatawang sabi ko, "But well, congratulations siguro dahil nakapasa ang student mo—ako! Job well done!" sabi ko at nagyakapan pa kaming dalawa. Bukod kay Emeril, si Stephanie rin talaga ang naging isa sa mga sandigan ko.
"Ayan na si Emeril," si Anton. Yup, hinintay niya na munang dumating si Eme bago siya umalis. "Mauna na ako sa inyo, pre!"
"Salamat! May tinapos lang na laboratory kaya mediyo na late!" si Emeril at kumaway na ito kay Anton na umalis na.
Naglakad si Emeril sa kinaroroonan ko at nakatitig sa akin na parang maiiyak. Nakakaloka. "Anong tingin 'yan, miss 'mo 'ko?" pagbibiro ko kaya natawa akong sinalubong siya at niyakap, "I miss you, hon!" I really do miss him.
![](https://img.wattpad.com/cover/177198843-288-k580298.jpg)