Episode 52: I choose you
Agad akong nag-iwas tingin. Hindi ko mawari ang sitwasyon ko ngayon. Gusto ko siyang awayin, sampalin, sipain, sugurin! I planned all of it in my head but silly me, wala man lang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko'y naestatwa ako dahil sa kanya! Hindi ako makapaniwalang siya nga itong nakikita ng dalawang mata ko.
"Issa..."
"B—Bumalik ka na pala..."
"Kumusta?"
My mind is in riot right now! Marami akong naiisip na masasamang salita pero hindi ko masabi, ayaw ng bibig kong magsalita.
"H—Hon! Let's go? Baka ma late tayo, okay na ba?"
"Are you okay?" si Emeril at hindi maalis sa akin ang titig niya. "We still have time, mabilis na lang ito."
"Should we book a grab? Or kahit mauna na muna ako! I just remembered may hindi pa ako natatapos na assignment! I still have time to finish it kung aalis na ako ngayon."
"Tapos ko na po ikabit ang spare tire niyo, sir!" iyong isang mekaniko. "Iwan mo na lang ho muna itong isang gulong niyo, daanan niyo na lang mamaya po."
"Okay, sige! Salamat! Hon, let's go! Ikaw talaga, sabi ko kagabi wala ka nang gagawin! Magbago ka naman sa pag-aaral, Melissa."
"Tara na, okay?" sabi ko na lang at direchong sumakay ng sasakyan. Hindi na ako lumingon pa kahit na ramdam ko ang presensya niya sa gilid ko kanina.
"Sige na, dumiretso ka na sa klase mo! Next time, please? Unahin mo muna iyang mga kailangan mong gawin sa eskuwela bago mag-isip ng kung anu-anong premyo, naiintindihan?"
"H'wag mo na nga i-claim iyong premyo! Kanina ka pa maingay diyan, ah! Sige na aalis na ako! See you this lunch time!"
"Ay, hon! Oo nga pala, we're going out today for lunch with the medical department officers! Hindi ko na nasabi sa iyo, sorry!"
"Ah, sige! Kita na lang tayo after class then!"
"Hey, are you okay? Kanina pa kita napapansin, ang tahimik mo."
"I'm okay! Tsaka, hindi ba dapat sumaya ka't tahimik ako? Sige na, aalis na ako! Bye! I love you!"
"I love you too, hon!"
Nang makalayo na ako'y napaupo na muna ako sa isang bench malapit sa department namin. I need to breathe, kanina pa 'ko hindi mapakali! I'm losing it.
"Yes, napatawag ka?"
"Thea, I'm freaking out! Nagkita kami ni Red!"
"What?! Seryoso? How? Bakit? Anong nangyari?" as expected, Thea was as shock as I am. "Magkuwento ka."
I took a deep breath and trying to keep my senses intact bago ako magsimulang magkuwento.
"Iyon lang? Walang kumprontasyon? Akala ko ba susugurin mo't gugulpihin mo kapag nagkita kayo? Bakit iba ata ang naririnig ko?"
Napairap ako sa kawalan. "Kaya nga naiinis ako sa sarili ko ngayon, 'di ba?! I waited for that moment to arrive tapos matatameme lang ako?! Nakakagigil!"
"Baka may feelings pa?!"
"Gaga ka ba? Gusto mo isumbong kita kay Emeril nang makita mo hinahanap mo?" I smirked. "Whatever! I just called to tell you that but I realized, it's no big deal! Ano ngayon ba kung nagkita na kami? Isa pa, tama na rin iyong nakita niya si Emeril, mangliit siya! Tama lang sa kanya 'yon!"