Episode 18

510 70 90
                                    

Episode 18: Family

Aminado akong sumibol ang ilangan sa pamamagitan naming lahat. It's not that I care, pero syempre, I'm feeling for Emeril.

"Oh, dito ka mag-aaral?" tanong ko na agad kasi itong Emeril, halatang nagulat sa nakita't nalaman.

Kahit ako, alam ko sa sarili kong nagulat din ako. I mean, bakit nandito ang Tanya na 'to? Anong meron? Pa-epal?

Tanya smiled as she look at me, pa-sweet, "A—ah ito na iyong plano dapat naming tatlo dati,. mediyo madedelay ako ng iilang subject pero finally, naayos ko na rin ang mga kailangan para makalipat ako rito." si Tanya. For someone who didn't grow up in here, magaling siyang magtalog, ah. "Ikaw, dito rin?"

"Hmm, incoming first year kung papalarin! I stop studying for a year because of my career. Isa pa, dito nag-aaral si Emeril kaya might as well try my luck." simpleng tugon ko at syempre, sinamahan ko na rin nang ngiti.

"I see, nag-artista ka nga pala." iyong Kassy na talagang masama ang timpla sa akin. Kung hindi lang anak ni Tito Mokya 'to, sinabunutan ko na.

"Artista, ganoon pa rin naman kahit na balik pag-aaral na." I corrected.

I saw Kassy smirked. "So,anong course mo, Issa?" tanong niya.

Iyong pakiramdam ko'y napipilitan lang siyang makipag-usap sa akin, ganoon ang nakikita't ramdam ko sa inaasta ni Kassy ngayon.

"Business Management," agarang sagot ko. "You are too, right? Ikaw, Tanya?"

"Nasa Business Management din, ganito naman ata kasi ang mga kurso ng mga inihanda na sa mamanahing negosyo ng pamilya," she smiled. Parang ang hinhin naman ng Tanya na 'to. Parang iyong galaw niya kalkyulado.

"H-Hindi na medical?" sabat ni Emeril. Kasama ko nga pala siya' t muntik ko na makalimutan! Kanina pa kasi tahimik e.

Nakita kong napangiti si Tanya na para bang gumaan ang pakiramdam niya nang magsalita't kinausap siya ni Emeril. Ayos din talaga, e. "Pinayagan lang ako nila grandma mag-aral dito kung patungkol sa negosyo ang kukunin ko. Maybe I can pursue my medical career after all these and I guess it's okay since mom's taking full control of her family's business now, si Daddy naman, naipamana na rin sa kanya ang business ng family nila kaya kailangan ko na rin mag-aral for it. There's no stopping when it comes to dreaming naman kaya magiging doctor din ako, just so you wait," ngumiti ito kay Emeril na akala mo hindi nanakit. Nagka-amnesia ba 'to?

"Sure thing, hindi naman na problema iyon ngayon, Eme! At least, complete squad na tayo! We've been looking forward for this to happen, finally, makakasama na natin si Tanya! Isa pa, magiging doctor din kayo parehas in the future, mauuna ka lang!" iyong Kassandra na namumuro na sa pahapyaw tingin niya sa akin na akala mo'y naghihintay itong umakto akong nasasaktan at nagseselos o 'di kaya, apektado!

Too bad for her kasi wala naman akong pakialam.

"Hmmm," narinig kong tugon ni Eme. Masyadong obvious na apektado rin, nakakainis!

Syempre, hindi ko siya masisisi kung bakit pero puwede naman iyong hindi halata! Mamaya na lang siya umiyak kapag kami na lang, ganun! I can lend him my should if he needs one!

"Are you two going somewhere for lunch? Puwede kayong sumabay sa amin ni Emeril! We're off for a date pero since narito na rin lang naman tayong lahat, why not join us for lunch? My treat! Isa pa, kakauwi mo lang dito Tanya, right? Pa welcome ko na rin sa iyo at syempre, good luck na rin sa atin, sana makapasa tayo sa entrance exam!" pagyayaya ko sa kanila. . Oo, inunahan ko na.

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon