Episode 22

655 95 74
                                    

Episode 22: Message

--

Kinakabahan ako ngayon. Nakatanggap ako ng generated text na ngayong araw kami makakatanggap ng e-mail patungkol sa resulta ng naging entrance exam namin. It's either we pass or fail.

Shit.

First time ko atang kinabahan ng ganito! Gusto kong makapasa hindi lang para sa akin kundi para na rin kay Emeril na sobrang nag effort para sa aking magturo at para na rin sa pamilya niya na sobra ang binigay na suporta. They're hopeful as much as I do. I don't want to disappoint them.

"Good morning," si Emeril nang mapadungaw siya mula sa pintuan ng aming kuwarto. Nasa labas siya at tila sinilip niya lang ako kung gising na ba ako o hindi pa. "Kumain ka na, it's late." anito

Tumango lang ako. Inaantok pa rin ako pero ayaw ko na rin bumalik sa pagtulog dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko.

It has been days since Emeril and I made up with eachother, I mean, ako lang pala dahil ako naman ang mayroong issue sa kanya. Nakapag-usap na kami at nasabi ko na rin sa kanya ang dahilan kung bakit ako nainis at naging magaan na ang saloobin ko patungkol sa kanya at kay Tanya pagkatapos ng sandaling iyon. Since then, naging maayos na kami at mas nagiging kumportable na sa isa't-isa. Mas naging expressive na rin si Emeril, at syempre, naaappreciate ko ang unti-unting pagbabago niya para sa akin at para sa relasyon namin.

Syempre, hindi ko pa rin masisiguradong hindi pa rin magiging apektado si Emeril sa tuwing nariyan si Tanya pero at least naiintindihan ko na naman siya at klaro na rin sa kanya kung anong mararamdaman ko kung sakali. I'm the girlfriend.

Pasasaan pa ang pagiging artista ko kung hindi ko kayang umarte bilang isang selosang girlfriend! Of course, I will! Sabi ko nga kay Emeril na para sa kontrata, magseselos ako para mapangalagaan ang relasyon namin! We have two years for this contract, sayang naman kung hindi namin gawing all out! And Emeril? Surprisingly he understands and agreed to the idea, and that he said he'll do the same—malay nga naman namin mag work!

Isa pa, napagtanto ko nga rin na parang may sarili akong misyon ngayon at iyon ay ang operation: tulungan mag move on si Emeril! Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi niya deserve ang masaktan, hindi niya deserve iyon mula kay Tanya. We all have no right to hurt someone.

Akala ko nga wala nang natitirang lalaking katulad ni Emeril, e! Meron pa pala at ang suwerte niya for being my boyfriend! Great!

"Isaa, you're spacing out! Kumain ka na. Iinitin ko ulit iyong tinola kagabi, masarap pa rin kaya you should eat more of it."

Bumalik ako sa wisyo at napangiti na lamang. "Thank you! Sobrang sarap pa naman ng sabaw na iyan kagabi! I don't usually eat one specific food twice for a meal pero for this tinola, and all other Austin foods—exception is a must!" nakangising tugon ko. Pinadalhan kasi kami ni tita Monique ng pagkain kagabi, luto raw ni Nana. "Kumain ka na?"

"I did! Anong oras na rin naman! Isa pa, can you try waking up early? Magsisimula na ang pasukan! Hindi puwedeng ganyan! Tsaka, napapansin ko, patagal nang patagal ang paggising mo! Kung hindi ka ginigising—

"Gusto mo talagang hinahalikan ka no?" I said after I almost kiss him. Natahimik, e.

"Issa..."

Napairap ako. "Can you just let me peacefully eat my brunch? Kinakabahan na nga ako, binubungangaan mo pa ako riyan!"

And yes, Emeril really loves to nag and honestly, nasasanay na rin naman ako.

Prince 4: Kind Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon