Episode 31: Alone
"Emeril..."
Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. It's Tanya, she's here and because of that, alam ko na kung bakit wala na rito si Issa. She set me up with her for what? Para makapag-usap kami? To give us that time to resolve any issues? Para saan pa? Akala ko ba hindi na siya makikialam pa patungkol sa bagay na 'to lalo na't kinlaro ko naman sa kanyang gusto kong mag seryoso sa relasyong meron kami. Hindi baa ko kapani-paniwala?
I sighed, "N—Nakita mo ba si Issa? I was waiting for her..."
"She left." aniya't napalapit siya sa akin. "I guess alam mo na kung bakit narito tayong dalawa ngayon? Kassy and the rest planned this, I swear ayaw kong pilitin ka sa ayaw mong mangyari and I will understand kung mas gusto mong umalis na lang at h'wag na nating ituloy 'to. Just that, I still want to try, Emeril." Napaiwas tingin siya sa akin. "I know that it wouldn't change a thing now at ayaw mo na akong makausap pa pero... naaapektuhan na sila Kassy and I am starting to feel annoyed over the fact that wala silang alam kaya ganito na lang ang kagustuhan nilang magkaayos tayo. I'm sorry, if this is hard for you but if you can try, can you endure this for me?" she said with a trembling voice. She's holding her tears, I can sense.
I feel annoyed being set-up like this pero ano pa nga ba, eto na 'yon, e. "What is there to talk about, Tanya? You said it yourself, wala namang magbabago kahit ano pa man ang pag-uusapan natin and I guess, it's no longer a big deal anymore, you're fine, I'm fine... I guess, that's just it. Matagal na rin naman iyon!"
"I know that..." malungkot niyang tugon sa akin, "B--But can we just go back to where we started 8 years ago? Kahit na bilang magkaibigan, Emeril. Ayaw kong nahihirapan sila Kassy, sila Tito, lahat ng mga nakapalibot sa atin! I know they know something is up about us and I made them all worried about the sudden changes they've never expected to happen lalo na noong birthday ko! Si... Cole, noong birthday ko... pinakilala ko siya bilang boyfriend ko kahit na ilang araw pa lang tayong break no'n. I know they were all worried about us, you, me... hindi lang nila tayo natatanong pero ramdam ko ang pag-aalala nila, I know you feel it too."
Napaismid ako. Nababalot ako ng inis sa mga narinig ko mula sa kanya. "That was around 4months ago, Tanya. Marami nang nagbago! It doesn't matter anymore and if not, ano ngayon ba? Both of us are trying to move on, marami nang nagbago! You have Cole, and sure thing, girlfriend ko na si Issa,"
"I—I know... pero... everything for them is nothing but pure speculations, at mas tumitindi lang ang suspetsya nila sa tuwing malayo at hindi tayo nag-uusap! I mean, 8 years ago, magkaibigan tayo, we are very close with each other... I want that kind of us, the us that we could have been kung hindi natin pinasok ang relasyon nating iyon,"
"So, are you telling me about your regrets now? Nagsisisi ka bang pumasok tayo sa relasyon na iyon sa loob ng walong taon? Those years—hindi man lang natin nagawang panindigan,"
"Not at all, Emeril! Wala akong pagsisisi na pinili kong mahalin ka sa loob ng walong taon, na totoo, masaya ako sa mga sandalling iyon! Pero sa tingin ko naman, alam mo naman siguro na ang klase ng relasyon na meron tayo ay hindi pangmatagalan, we are destined to end our relationship no matter what... because that's how it's going to be, alam natin iyan, 'di ba?"
Agad akong napaismid sa narinig kong sinabi niya, "8 years, Tanya! Sa tingin mo ba, naglalaro lang tayo sa mga sandaling iyon? Sa tingin mo ba, aabot tayo ng ganoon katagal kung alam ko ang kahihinatnan natin? Are you even hearing yourself?!" I exclaimed.
Nakakagalit.
"Emeril... alam mo kung ano ang namagitan sa pamilya ng mommy ko at ni tito Elijha... I was hopeful in that 8 years na mayroong magbabago pero sa tuwing lumalalim lang ang nararamdaman ko sa iyo, mas nagiging klaro lang sa akin kung saang punto ng relasyon natin kailangan kong ihinto. Alam kong ang hirap intindihin pero please don't dare question the love I have for you dahil kung mas matapang lang ako, gusto kong takbuhan ang lahat at lumayo kasama ka! Pero... gustuhin ko man, ayaw ko rin namang maging makasarili. I don't want to complicate things and I'm sorry if I had to let go of us for them, masakit sa akin ang naging desisyon ko pero alam kong iyon ang tama."