Episode 51: First Love
"BFF, nagsisimula na!"
"Wait lang!"
Emeril and his team are competing now for a shot in the championship round at saktong break time namin kaya makakanood kami. Sana makuha nila dahil aside sa premyo, nakita ko rin talaga ang effort niya para sa event na ito, deserve nilang ma champion! Pero dapat talaga mag champion sila para parehas kaming happy ni Emeril, syempre!
"Magaling din ang kalaban nila kaya for sure hindi magiging madali but since advantage sa kanila ang perfect score sa qualifying round last day, malaki ang tsansa na makapasok sila for the championship later this afternoon!"
"Of course, Anton! Sobrang ginagalingan nila Emeril, Dexter, at 'yang isang kasama nila. Sino nga 'yan, bff?" si Stephanie na kanina pa kabado.
"I forgot the name!" I said at napairap pa ako, "Puwede ba, manood na lang tayo? Na-te-tense na ako sa mga kaganapan, e!" sabi ko sabay ayos ko pa ang i-pad na ginagamit namin sa panonood para mas maganda ang puwesto.
Everyone got curious kaya marami na rin ang nakikinood sa amin sa classroom. Wala pa namang prof. kaya okay lang! Ang o.a nga, puwede naman silang manood sa mga cellphone nila pero hindi na ako nag reklamo pa lalo na't nakakatanggap ang boyfriend ko ng ganitong klaseng suporta, papalapag pa ba ako? Hindi na.
"Shit! Makukutusan ko 'tong Dexter na 'to, letche naman!" I cussed when Dexter got the wrong answer. The score now is 102 vs 98 in favor of the other school.
"Sayang!" si Stephanie
"Kumalma nga kayong dalawa! May difficult round pa naman, mas malaki ang point sa level na iyon kaya malaki pa ang chance natin." si Anton na halatang naalibadbaran sa amin ni Stephanie. Jeez, naghihintay lang ata ng tsempo 'tong mahagip ng camera iyong Tanya, e!
Nakakakaba. Halatang alanganin ang eskuwelahan namin sa puntong ito. Napaparami ang mga maling sagot nila at kung minsan ay tila nagdadalawang isip sila sa kanilang sagot at pinapalitan—mali naman!Nakailang ganoong gawain nga'y naging resulta sa pagkatalo nila. Oo, natalo sila!
"Issa, okay ka lang?"
"Hmmm," walang kagana-gana kong sagot.
"Sayang, pinalitan pa kasi nila Emeril iyong sagot nila! Puro errors nila nagpatalo sa kanila," rinig ko ang isang classmate ko.
"H'wag nga kayong paranoid! Point system ang laro kaya automatic na pasok pa rin sila Emeril sa finals. They're still the leading team with 15pts ahead of the second team! At kahit natalo sila ng kalaban nila ngayon, hindi pa rin sila makakapasok sa finals dahil 5 point lead lang naman ang lamang nila sa atin. They need to lead upto 15 points to do so!" si Anton. Hindi na niya kinaya ang mga kumento ng mga kaklase namin.
"Oo nga, bff! Tama si Anton! It's not as high pero at least pasok pa rin sa finals at may chance pa rin sa championship ang school natin at iyon ang importante!"
Totoo, nakahinga ako nang maluwag sa narinig ko mula sa kanila. "Mabuti naman kung ganoon! Pero kahit na, sayang pa rin na natalo sila! Iyong nakatalo sa kanila, hindi pa nga pasok sa finals, e! Anyways, whatever! At least nakapasok nga naman!" kumento ko at iyon naman ang importante.
"Oo! As I said, point system ang competition! They are playing for the points! Sa lahat ng delegates ng semi-finalists, ang school pa rin natin ang may pinakamataas na points," paliwanag muli ni Anton at walang 'ya!
Huminga ako nang malalim. "Ano ba 'yan, nag emote pa ako sa wala!" Bulalas ko pero gayun pa man, hindi ko pa rin maiwasang maisip na natalo sila sa semi-finals.