An: For all the votes, comments, and for reading this story, thank you so much! The time you have spent in reading IsMe's story is well appreciated! Salamat, salamat! It was a long journey and I am happy that we made it this far! 6 years passed by so fast since I started writing the Love Game trilogy and the Prince's series, it feels amazing that we're now down to the last story of the series! Our love is the last story from the series—Emith's story. Sana po ay masamahan niyo ako sa kanyang istorya hanggang sa matapos ito. I'll be counting on you guys until the end!
Salamat again and see you in Our Love.
Enjoy!
-May ❤️
----
Emeril's P.O.V
"Anong tinitingin-tingin mo riyan?! Kanina ka pa nakatitig sa akin, naiilang na ako!" si Issa. Nakatingin lang kasi ako sa kanya habang nakaupo sa gilid niya.
It's been a while since the last time I saw Issa on her vanity table and pampering herself. She takes care of her self way too much pero aminado akong na-miss kong makita siyang ganito. Matagal ang isang taon na pagkakawalay sa isa't-isa at isang beses ko lamang siyang nabisita roon.
"I'm just missing you! Seeing you this close and in flesh feels surreal,"
"Awarding ceremony na ba?" she giggled.
"Honey talaga! Not that I don't want to, na miss kita and all those kind of stuffs pero I'd rather let you rest for a while kasi alam kong pagod ka sa byahe! Bilisan mo na lang diyan at samahan mo na akong humiga, I want to hug you as I sleep." sabi ko at hinalikan ko siya sa ulo bago dumiretso sa kama namin at humiga.
Nasa condo kami ngayon. Dito na muna kami umuwi dahil late na rin ang arrival ni Issa. It's 2:00 am at ako naman, pagod na para bumyahe ng malayo pauwi ng bahay. Bukas na lang kami uuwi roon.
"Done." aniya't naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa akin. This is real. "Wala ka namang itinabi rito sa kama noong wala ako?"
"Meron," direchong tugon ko. Alam kong maasar siya kahit siya naman itong nanguuna. "Si Meredith, nakitulog siya rito one time dahil napagalitan ni Nanay, dito siya umuwi dahil wala rin sila Kuys Eero sa condo, nasa bahay."
"Ang haba naman ng paliwanag, halatang—"
"Halatang nangaasar ka na naman, Issa. Stop it, okay? Wala akong ibang babae. Maraming nagpapapansin pero ikaw lang talaga."
Napangiti siya. Gustong-gusto ko rin talagang nakikitang kinikilig sa akin si Issa. She may deny it and hide it with her strong personality, halata na rin naman.
"I miss you, hon. Mapikon ka lang palagi sa akin ha?" natatawang sabi niya and I kissed her. "Teka...Akala ko ba pagpapahingahin mo 'ko?"
"I love you and I am happy that you're here beside me already. Ayaw ko nang malayo ka sa akin nang ganoon katagal. It felt extra lonely without you."
"Alam ko naman na nahirapan ka sa naging desisyon ko, e! There were a lot of times na ginusto kong umuwi but you chose to make me fight for my dreams and decisions kahit na alam kong maraming pagkakataong lumipas na kailangan mo dapat ako, na dapat kasama mo 'ko. I will never leave you again, okay? I'm going to stay by your side forever!"
A smile drew in my face. "That's a relief to know because I feel the same way too. Nasa punto na ako ng buhay ko na wala na akong ibang gusto at gugustuhin pa. Grace is a good friend and Tanya will stay as a family, h'wag ka na mag selos sa kanila, okay?"
![](https://img.wattpad.com/cover/177198843-288-k580298.jpg)