Episode 8: Trip
"Mag gogrocery lang naman tayo, why do you have to film it?" tanong ko sa kanya.
Nasa sasakyan na kami at papunta na ng grocery store na malapit lang sa condo building. May bitbit kasing camera si Issa. She said she's going to film us while buying some groceries.
"Vlog nga! Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Mag shoshoot ako ng vlog. Vlogger din ako at times kapag walang masyadong ginagawa! Sayang din kasi iyong chance at nang malaman nilang marunong din akong mag grocery," paliwanag niya pero hindi ko ma gets kung anong sense no'n.
"With me?"
Natigil siya sa pag-check ng camera at napatingin siya sa akin. "Syempre hindi kita isasama kung ayaw mo! Bakit, gusto mo ba? Like, makilala ka ng mga fans ko? For sure, maiintriga tayo pero I'd prefer it that way para naman mapahiya sila sa mga pinagsasabi sa akin na wala raw kayang makisama sa akin. It's going to prove them wrong, for sure." aniya tapos ngumisi't ibinalik ang atensyon sa camera na hawak niya.
"Isn't that a private matter? I mean, a matter that should be private?" I ask. Curious lang ako lalo na at sabi nga niya artista siya, will it not affect her career once she reveal about us?
"Eh? Itatago ba natin sa lahat kung anong meron tayo?"
"Meron tayo?"
Napaismid siya at masama ang naging tingin sa akin. "Alam mo, nakakapikon na iyang mga tanong mong 'yan, ah! Ano nga bang meron tayo? Sige nga! Ikaw itong matalino pero heto ka nagtatanong ng kung anu-anong kabobohan, nakakabwiset lang!"
"I'm genuinely asking you, ano bang nakakabwiset do'n?"
"Oo na, Emeril! Desperada tingin mo sa akin, okay na! Tumahimik ka na riyan!" aniya. She got furious.
Bahagya akong natawa. "I—I didn't meant it that way, I'm just joking. I'm sorry,"
"Joking?! Hanep din talaga mag joke mga santong katulad mo, 'no? Hindi nakakatawa, Emeril!" she's lost it. Galit na nga ata.
"But seriously, hindi ba makakaapekto sa career mo kung sasabihin mo ang tungkol sa atin?"
Napatingin na naman siyang muli sa akin. This time bahagyang may gulat. Umismid siya. "Duh! Maiinggit pa nga sila kasi pogi ka naman, maganda ako! Good couple,'di ba? Mga mukhang ng mga iyon! Akala nila walang papatol sa akin at hindi ako magiging masaya! Excuse me!"
"Why do you keep insisting others comments though? You're flexing us to prove them wrong about you? Ganoon ba?"
"Aba teka, parang ang sama ko bigla sa sinabi mo, ah!"
"Well, that's how I'd assess what you have just said. If you want to flex us, if it wouldn't harm your career, bahala ka. I'll leave the decision to you. Ikaw lang naman iniisip ko. But can you at least use the reason na gusto mong ipaalam kasi gusto mo at hindi dahil may pinapatunayan ka?"
Natigilan siya sa sinabi ko. "Alam mo, iyang mga lumalabas sa bibig mo talaga... pasimple! Sige, pag-iisipan ko na!" tapos napangiti. "But for me personally, kahit pa dahil lang sa kontrata ang relasyon natin, hindi naman siguro masamang malaman nilang may nakilala akong isang tao na maaaring maging parte ng habambuhay ko. O—Of course, the future is really blurry for now but it will never feel official kung ganitong parang wala lang!" aniya at napaiwas tingin.
It'll never feel official, huh.
"I—I get your point, okay? I'm just really skeptical about being officially in a relationship lalo na at kakakilala pa lang natin,as the guy, ayaw kong isipin mong nagte-take advantage ako porket may kontrata. But i—if you insist, and if it's okay with you... do you really want to be my girlfriend right at this moment?"