Episode 61: Separation
an: so sorry for the wait. mediyo na writer's block ang inyong lingkod at di rin talaga masingit magsulat dahil sa trabaho 😅 Anyway, I'm back and well... Happy reading guys! ❤️
---
"Hon, kailan mo balak kausapin ang daddy mo? You should plan it out now, I say! We're leaving for vacation in two days. Sana naman maayos mo na para matiwasay ang isip mo sa bakasyon at tsaka, malapit na ang birthday mo, at least we can celebrate it with them," si Emeril
Nasa kuwarto na kami ngayon at nasa kama na. Nakahiga si Emeril habang ako naman ay nakaupo pa. I feel so full at naparami ako sa kain kanina dahil na rin sa sarap ng niluto ni Nana kaya heto napainom ako ng tea para naman gumaan ang tiyan ko.
"I don't know yet." saad ko habang napakibi't balikat. "Hon, do you think he can still forgive me? I mean, with everything that had happen, it's as if he's disowning me any time now." I asked at natigil ako sa ginagawa ko sa aking cellphone. It's an honest and genuine concern actually. Naiisip ko iyong nagawa ko, nahihiya ako.
"Kung sincere ka, oo naman. Daddy mo siya, hon! Kung may tao man na higit na mas nakakakilala at iintindi sa iyo, daddy mo iyon. Hindi ka rin naman siguro matitiis no'n kaya don't worry, okay? I'll be there for you, sasamahan kita and I really hope you can be calmer this time dahil nakita mo naman ang resulta kapag pinapairal mo lahat sa init ng ulo mo. Mas gumugulo lang."
I sighed. Tama naman si Emeril. "I know at syempre, I'll listen to you this time, okay? Makakaasa kang gagawin ko ang lahat para maging mahinahon at maayos ang gusot namin ni daddy! I acknowledge my mistake and I know I need to apologise."
"Kasama mo ako, hon. You are not alone in this kind of situation. Kahit ano pa man, nakaalalay lang ako sa iyo at no judgement, susuportahan kita."
Tuluyan na akong natigil sa ginagawa ko at napahiga sa tabi ni Emeril. He looks tired but still able to listen and talk to me at...Nagpakilig pa nga.
"Alam mo, minsan talaga napapaisip akong too good to be true ka lang, e! Sa sobrang kalmado mo madalas, minsan napapaisip ako na baka trap mo lang 'to para makuha ang isang Issa Elizalde tapos kapag nakuha mo na ang gusto mo—"
"Marami ka bang nainom kanina? Ang sabog mo mag isip! Matulog ka na kaya nang mahimasmasan ka! Tsaka,tumigil ka na sa kakainom at iba na epekto sa iyo, hon."
"Seryoso kaya! Feeling ko ang suwerte ko sa iyo kasi ang bait mo at lagi mo 'kong iniintindi kahit na ikaw naman itong mas suwerte dahil sa akin!" I giggled a bit.
"Ako? Suwerte sa iyo?" he asked with a playful smirk kaya sinamaan ko siya nang tingin. "You are right, suwerteng-suwerte ko sa iyo, totoo talaga."
"Kapag nag one-year na tayo o 'di kaya malapit na sa finish line, baka maiba ka't makahanap ng tsempong iwan ako, ha? Naku, Emeril!"
Agad siyang umismid. "Alam mo, kaka-akusa mo sa akin ng ganyan baka nga mangyari 'yan!" he says as if he's warning me. "Hon, stop pushing me away from you, please? Hindi kita iiwan kaya sana ganoon ka rin lalo na't baka nagpapa-cute iyong ex-boyfriend mo sa iyo, madala ka! H'wag ganoon."
Sinasabi ng lalaking 'to?! Natawa ako. "You don't have to worry about that anymore, hon! I've talked to Jarred and I told him about you! Kinlaro ko na rin sa kanya na hanggang friends lang ang maibibigay ko sa kanya kasi may boyfriend ako na mahal na mahal ako kaya wala na siyang babalikan!"
He looked surprised. "Sinabi mo 'yon?"
"Oo! Kahit wala naman siyang sinasabi o pahiwatig!Sinabi ko na sa kanya para una pa lang alam niya na kung ano ang estado ko sa buhay! I even told him that I am about to marry you soon enough para h'wag na talaga siya umasa! Ano, bilib ka na sa akin?"