Chapter 19

171 8 0
                                    

"Sino 'yan? Sino 'yan sabi eh!" Pasigaw na ang boses ni Ivy, ang isa sa tatlong Operations Manager na naroon sa production floor.

"Damn it! Guys, lend me a hand here," biglang sabi ng lalaking naka muscle fit t-shirt sabay hinila niya mag-isa ang isang bakanteng long table at saka iyon iniharang sa pinto. Nagsisunod na rin agad ang iba at nagkanya-kanya sila ng kuha ng mga lamesa at silya para gawing pangharang.

Noong una, patuloy pa rin sa pagpihit ang nasa labas ng pinto. Pinagta-tadyakan niya ito, pero hindi ito natinag. "Alam ko marami kayong tagilid na nar'yan sa loob! Nakita ko ang mga hugis niyo! Nakita ko lahat kayo!" Ang boses niya tila isang kulog sa tahimik na hallway sa labas.

"Oh, my God! Anong nangyari kay kuyang guard?" Umiiyak na sabi ng babaeng naka-ponytail at pink hoodie jacket. Billie, Operations Manager din ang nakasulat sa ID na kanina pa niya hinihila-hila. Tanda na unti-unti na siyang iginugupo ng matinding nerbyos

Sumagot ang naka muscle fit t-shirt na Operations Manager number 3, si Nero. "I already conatacted 117 pero walang sumasagot sa kabilang line. Laging busy"

"But have you also tried contacting boss Ginnie. Anong sabi niya?" Si Ivy, hinahagod-hagod niya ang likod ni Billie para ito ay patahanin.

"Yes. Sabi stay put lang daw muna tayo dito and lock all the entry ways. She and the other bosses are also trying to contact the police pero busy din daw ang line."

Sa puntong ito, nagkanya-kanya na rin ng kuha ng mga gamit nila sa locker ang mga ahente. Hindi na nila inalintana ang mga kausap na banyangang customers sa kanilang headset at iniwan na nila ang mga ito na walang nag-aasikaso.

Nang makuha ang mga gamit, tila nagpaunahan pa sila sa pagdutdot sa cellphone para magpasundo sa mga kapamilya o kaibigan. Ang iba, sinusubukan ding tawagan ang mga pulis. Si Mark naman, halos murahin na ang telepono dahil sa sangkatutak na text at missed call kay AC, ni isa wala itong nakuhang tugon.

"Sshhhhhhh!" ika ni Nero. Napahinto ang lahat sa kanilang mga ginagawa. "Tumahimik na siya, guys." Sabay-sabay silang napatingin sa pinto.

"Silipin mo kaya," suhestiyon ni Ivy kay Nero. "Just take a peek."

Lumapit lalo si Nero sa pinto at inilapat niya ang tainga dito. Gusto niyang pakiramdaman kung may tao pa ba sa kabilang...

Isang malakas na putok ng baril ang gumulat sa kanila at napaluhod si Nero bago pasalpampak na humampas ang kanyang mukha sa carpet na sahig ng production floor. Ang kapirasong bahagi ng utak niya, tumalsik at dumikit sa pader na katapat ng pinto. Ang dugo nito ay pawang munting alon na mabagal na gumagapang papunta sa mga nahintakutang mga ahente.

Sa butas na nilikha ng tumagos na bala sa pinto, may sumilip na mata. "Di 'ba sabi ko sa inyo buksan niyo ang pinto! Buksan niyo sabi ang pinto at nang maituwid ko mga mukha at katawan niyo! Lahat kayo tabingi! Buksan niyo 'to!"

Nagsigawan ang mga tao at nagkanya-kanya nang pulasan. May nagtago sa ilalim ng lamesa, may iba na binuksan ang bintana at sumigaw ng *Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo kami!*

May iba na lalo pang dinagdagan ng mga silya at lamesang pang-harang ang pintuan hanggang sa magkapatong-patong na ang mga ito at halos matabunan na ang bangkay ni Nero.

"Guys! Calm down! Please! Calm down!" saway ni Ivy. Sinusubukan niyang huwag lingunin ang nakahandusay na katawan ng dating kasamahan. "Walang mangyayari kung magpa-panic tayo. Just stay put. I don't think makakapasok siya dito with all the blockade na nilagay natin. With that being said, meron na ba sa inyo na naka-kontak na sa mga pulis?"

Walang sumagot at napayuko na lang sila. Sa puntong ito, tumigil na muli ang gunman sa pagpihit-pihit ng doorknob.

"Okay, Just continue sa pag-kontak ng mga pulis. You can search Google natin d'yan sa computers para sa mga numbers ng mga authorities or government agencies na puwede pa nating tawagan. Okay? And as for now wala munang lalapit sa pinto until we are one hundred percent sure na pulis ang nasa labas para i-rescue tayo."

The Scent Of Madness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon