Habang masayang nagsasalo-salo ang pamilya ni Mark sa bahay nila Shan noong oras na iyon, papalapag din ang eroplanong sinasakyan ni Mr. Hector Baculinao, assistant head ng Philippine Research on Biodiversity and Forestry sa Incheon International Airport sa South Korea.
Isa sa mga bitbit niya ang isang espesyal na item mula sa isang secret facility sa Laguna.
Sinalubong si Mr. Baculinao ng isang lalaking naka-amerikana. May hawak itong cartolina na may nakasulat na, "Welcome to South Korea, Mr. Hector Baculinao". Nagkamayan muna sila at saka siya isinikay nito sa isang magarang limousine papunta sa isang tagong lugar sa Seoul.
Lee Song Kim ang pakilala sa kanya ng lalaki. Hindi sigurado si Mr. Baculinao kung ito nga ang totoo niyang pangalan. Hindi rin naman mahalaga iyon dahil siguradong isang beses lang naman silang magkikita. Ang importante maihatid niya nang maayos ang dala-dala niyang item sa kanyang kakatagpuin.
Ibinaba siya ni Lee sa isang magarang condominium sa puso ng Seoul at saka siya muling binati ng isa pang naka-amerikanang lalaki. 'Di gaya ni Lee, hindi na ito nagpakilala sa kanya at minuwestrahan na lang siyang sumunod sa kanya. Nagtuloy-tuloy sila sa napaka-kinang na lobby papunta sa elevator. Ni hindi na nga sila tinanong kung saan pupunta ng nakabantay na receptionist doon. Tila kakilala na nila ang sundo ni Mr. Baculinao at matagal na itong residente doon.
Pagtapak sa ika-79th floor ng condo building, kumanan sila sa right-wing ng gusali at kinatok ang pinakadulong pinto sa kaliwa. Pinagbuksan sila ng isang may edad ng koreana.
"Good afternoon, Mr. Baculinao. Mr. Gan has been waiting for you. Please come."
Pumasok sa silid si Mr. Baculinao at naiwan sa labas ang naghatid sa kanyang lalaki. Yumuko muna ito bago umalis bilang tanda ng pagalang at saka bumaba muli gamit ang elevator.
Itinuro ng matanda ang living room kung saan niya pinaupo sa isang napakalambot na sofa si Mr. Baculinao.
"Please stay here while I get your tea. Mr. Gan will be with you in a moment," malamyos na paalam ng koreana.
Tumango naman si Mr. Baculinao at saka dahan-dahan niyang ibinaba sa lapag ang bitbit na sports bag na naglalaman ng iilang piraso ng kanyang damit at ang kulay brown na kahon.
Iginala ni Mr. Baculinao ang mga mata sa loob ng silid at nag-piyesta ang mga ito sa rangya at ganda ng kanyang nakita. Minimalist lang ang disenyo nito pero ang mga kagamitan sigurado siyang galing pa sa mamahaling furniture makers mula sa Italy at France. Alam niya dahil may mga ka-transakyon din siya sa Pilipinas na mayroong mga ganitong pag-aari. Sa labas naman ng floor to ceiling na bintanang salamin, tanaw niya ang mga matatayog at kumpol-kumpol na skyscrapers ng Seoul. Mga simbulo ng yaman at tagumpay ng South Korea.
"Here is your tea, Mr. Baculinao," biglang naputol ang kanyang pagmumuni-muni. "And also, I would like you to meet Mr. Jin Hung Gan."
Nag-bow ang matanda kay Mr. Gan at bumalik na sa kusina. Naiwan sila ni Mr. Baculinao sa sala.
"Finally. Nice meeting you, Mr. Gan," nakalahad ang palad niya para kamayan ang koreano.
Inabot naman ito ng koreano. "Same here, Mr. Baculinao. How's the flight from Manila?"
"It's all good. Took a Singapore Airlines business class. Thank you."
"Have a seat," paanyaya ng koreano. Maliit lang 'to, nasa 5'7 o 5'8. Obvious na naka- Louis Vuitton na pants and jacket dahil sa tadtad ito ng "LV" print. At sa leeg nito, nakasabit ang nakasisilaw na Cartier diamond necklace. "Have you received the payment?"
"Yes. Thank you for the generous offer." Bahagyang napalunok ng laway si Mr. Baculinao sa kaba. Hindi niya alam kung bakit at pa'no siya umabot sa ganito. Pero wala ng atrasan. Pagkatapos ng transaksyong ito, lilipad siya kasama ang pamilya sa central Asia. Kazakhstan, Turkmenistan, Uzbekistan - bahala na! Magtatago sila doon nang matagal. Sasapat na siguro ang eighty million dollars na ibinayad sa kanya ni Mr. Gan para mamuhay sila roon ng disente.
"May I see the package? I want to see it," sabik na pakiusap ni Mr. Gan.
Kinuha ni Mr. Baculinao ang brown na box at ipinatong iyon sa lamesa. Iniangat niya ang taklob nito at kinuha ang laman.
Pagkalabas na pagkalabas pa lang ng kahon, agad na kumalat ang halimuyak ng green crescent paradise sa buong condominium. Nakatanim ito sa isang kulay gintong paso.
"It smells so nice. When will it bloom and produce pollen?"
"One to two weeks from now," hindi mainom nang diretso ni Mr. Baculinao ang tsaa dahil sa panginginig ng kamay.
"Don't worry. This will only be between the two of us," pagsisiguro ni Mr. Gan nang makita ang nangagatog na kamay ng kausap.
Kabado si Mr. Baculinao. Alam niyang siya agad ang unang paghihinalaan sa oras na malaman ng mga tao mula sa storage and research facility kung sakaling may mawala na kahit isang paso ng green crescent paradise. Ang ahensya kasi kung saan naninilbihan si Mr. Baculinao ang natatanging ahensya ng gobyerno sa mundo na puwedeng mag-alaga at magparami ng mga naturang bulaklak upang higit pa itong mapag-aralan ng mga siyentipiko.
Tumagal lang ng halos 40 minutes ang transakyon at nagpaalaman na ang dalawa sa isa't isa. Inihatid muli si Mr. Baculinao ng limousine para sana ilagak siya sa five star hotel na kanyang tutuluyan.
Akala lang niya iyon.
Sa halip, ibiniyahe siya ni Lee sa labas ng kapitolyo, sa isang liblib na lugar. Ibinaba ni Lee si Mr. Baculinao sa isang luma at abandonadong gusali doon. Sa puntong iyon, nag-umiiyak na at nagmamakaawa ang assitant head, marahil alam na niya ang sasapitin. At tama nga. Binunot ni Lee ang baril na nakatago sa kanyang binti at ipinutok iyon sa sentro ng noo ni Mr. Baculinao.
Samantala, bitbit ang kahon ng green crescent paradise at sakay ang isang private jet, maagang umalis si Mr. Gan sa Seoul biyaheng Pyongyang. Ipinagpaliban na muna niya ang shopping. Sabik na kasi siyang ipakita ang bagong bili niyang item na gagawin nilang sandata sa pangulo ng North Korea.
WAKAS
BINABASA MO ANG
The Scent Of Madness (COMPLETE)
KorkuIsang maaliwalas na umaga, nakasakay si Mark sa isang bus patungo sa bagong kumpanyang kanyang aaplayan. Walang kamuwang-muwang na sa araw na iyon ay susuungin niya ang isang delubyo na sanhi ng isang uri ng bulaklak. Habang si Boyet naman sinusubuk...