Six months after.
"Kuya, halika na. Mag-uumpisa na ang padasal," hinila ni AC ang kapatid papunta sa puntod ni Kenzo.
"Aray! Aray! Aray ko! Ingat naman," iyak ni Mark nang maunat ang kanyang braso. Ang pinsala na naidulot ng aksidente dito, hindi na naibalik pa sa dati. Ilang physical therapy na rin ang dinaanan niya subalit lahat 'yon napunta lang sa wala. Sabi ng duktor, habang buhay nang magiging gulay ang kanang balikat niya pababa sa braso at kamay. Hindi na ito kailanman makakaramdam ng kahit na ano. Mabigat man sa kalooban, tinanggap na lang niya ang panibagong hamon na iyon.
"Kanina ka pa nakatitig sa cellphone. Patingin nga," dinagit ni AC ang hawak ng kapatid na agad rin namang nabawi ni Mark.
"Wait lang kasi. Tinitignan ko lang mga pics ni Mang Berto. Mukha namang ayos na lagay niya," ipinasilip ni Mark ang mga litrato ng dating kapitbahay kay AC.
"Tumaba siya ano," iniskrol pa ni AC pataas ang screen para makita ang iba pa nitong larawan.
"Oo nga eh. Buti naman at may kumukop sa kanya. Sabi kasi ni Mama noon 'di ba, wala na siyang kamag-anak." Pinindot ni Mark ang power button ng cellphone at agad na nag-black out ang screen.
Noong kasagsagan ng kaguluhan, nagising na lang sina Mark na wala na si Mang Berto sa poso kung saan nila ito itinali. Hindi nila alam kung nakawala ba ito o may tumulong sa kanya. Basta isang araw, may nag-message na lang sa kanya sa messenger - anak ng pinsan ni Mang Berto. Humihingi ito ng paumanhin sa lahat ng abalang idinulot nito at kung maaari ay patawarin na siya. Agad naman ibinigay iyon ni Mark dahil alam niyang hindi si Mang Berto ang may sala. Kagagawan lahat iyon ng green crescent paradise.
Hanggang ngayon hindi pa rin natutuklasan ng mga siyentipiko at mga dalubhasa ang lunas sa masamang epekto ng mga pollen na nagmumula sa mga bulaklak. Ang magandang balita, hindi rin naman permanente ang bisa nito sa katawan ng mga naapektuhan. Kusa na lang itong nawawala pagkatapos ng tatlong buwan kagaya ng kaso ni Mang Berto at ng lahat ng nabiktima nito na bumalik na sa dati ang katinuan.
Ang nakalulungkot nga lang tinatayang mahigit 400,000 katao ang namatay sa mga kaguluhan at karahasan noong kasagsagan ng "pollen invasion" sa loob lamang ng tatlong buwan. Ang perwisyo naman sa ekonomiya ay humigit 14 na bilyong piso. Kaya naman, simula noon ipinagbawal na rin ng gobyerno ng Pilipinas ang pag-aalaga, pagpaparami at pagtatago ng mga buto't halaman ng green crescent paradise. Ang sinumang lumabag sa batas na ito ay mapaparusahan ng dalawampu hanggang limampung taon sa kulungan nang walang parol.
"Kumusta na 'tong tabachingching na 'to, ha?" Hinawakan ni Mark ang kamay ng inaanak niyang si Misha, ang panganay nila Kenzo at Shan. Nilaro-laro at hinalik-halikan ito ni Mark, pero mukhang hindi yata ito natuwa dahil bigla itong nag-iiyak. Si AC naman ang kinuhang ninang.
"Heto, bugnutin. Init na init na. Kanina pa nagwawala," hindi na alam ni Shan kung pa'no patatahanin ang anak.
Kinuha ng lola ni Shan ang apo at nag-prisintang siya na lang ang magkakarga. "Sindihan niyo na 'yang mga kandila at umpisahan na natin ang rosaryo. Nang makakain na 'tong bugnutin na 'to."
Umusal si Mark ng dasal nang matapos maikot ang rosaryo.
P're, kung nasaan ka man ngayon sana gabayan mo kaming lahat. Okay naman ang pamilya mo, lalong-lalo na 'tong baby mo. 'Wag kang mag-alala, babantayan ko sila dito. Siya nga pala, happy birthday. Padala ka naman beer d'yan.
Tahimik na napangiti si Mark na agad namang napansin ni AC. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan, ha?"
"Wala panget," ganting sagot ni Mark.
+-+-+-+-+-+-+-
Pagkatapos ng padasal, bumalik sina Shan kasama ang magkapatid sa bahay nila kung saan may naghihintay na munting salo-salo para sa alaala at kaarawan ni Kenzo. Naabutan nila doon si Aling Esmie at ang iba pa nilang kakilala't kapitbahay na naghihintay
BINABASA MO ANG
The Scent Of Madness (COMPLETE)
HorrorIsang maaliwalas na umaga, nakasakay si Mark sa isang bus patungo sa bagong kumpanyang kanyang aaplayan. Walang kamuwang-muwang na sa araw na iyon ay susuungin niya ang isang delubyo na sanhi ng isang uri ng bulaklak. Habang si Boyet naman sinusubuk...