"Ma'am, kailangan na natin umalis dito. Hindi ko alam kung pa'no ipapaliwanag, pero nasa panganib tayo," mahinang-mahina, halos pabulong na, ang pagkakasabi ni Mark sa OM na si Ivy. Ingat na ingat na may makarinig sa kanila.
"What? ... What are you talking about?" tugon sa kanya nito. Abala siya sa pag-contact ng kung sino sa tangan na cellphone at maya't-mayang sinisipat ang bangkay ni Nero na ngayon ay tinatakluban na ng mahabang mantel. Umaasa pa kasi siya na baka joke lang ang lahat at pina-prank lang siya ng mga kasama.
"Ma'am, trust me. Kailangan na nating umalis dito dahil baka magkaroon ng kaguluhan dito anytime soon. Mayroon po bang emergergency exit dito na puwede nating daanan palabas bukod sa main door na 'yan?" Hindi na mapakali si Mark.
"What are you talking about? This is the safest place na puwede natin paglagyan right now. We will just stay here hanggang dumating ang mga pulis," pagmamatigas ni Ivy. "And who are you again?"
"Ma'am, isa po ako sa mga applicants sa company niyo. Well... look, hindi na po mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga makahanap tayo ng paraan para makalabas dito kung hindi we'll end up just like him," sabay na tiningnan nila si Nero. "Look.. look at the girl sa may water dis..."
Nanlamig ang buong katawan ni Mark at nagsipagtayuan ang mga balahibo niya sa braso. Ang babae walang kibo sa may water dispenser, nadagdagan ng isa pa. Lalake naman. Tuwid lang itong nakatayo sa isang sulok na aakalain mong may tinatanaw ito sa malayo pero ang totoo, halos halikan na nito ang pader. Sa isang workstation naman, nakaupo ang isang maliit na babae, ang mukha niya iniilawan ng liwanag mula sa computer monitor. Wala rin itong imik kahit na kanina pa siya kinakalabit ng gf ni Kenzo na si Shan.
Nasinghot na nila.
Mayroon pang iba, pero hindi na na iyon inalinta ni Mark. Bigla kasing tumahimik, parang may isang dosenang anghel ang dumaan. Nagkatinginan si Kenzo at Mark, nagpapakiramdaman. Si Ivy naman, hinahagilap ang mga mata ng kapwa niya OM na si Billie pero hindi siya nito tinitignan. O parang mas tama yatang sabihin na nakatingin ito sa kanya pero mistulang hindi siya nito nakikita.
"Bakit tagilid ang news reporter sa TV?" Pagkakuwa'y tanong ni Billie.
"Oo nga. Bakit tagilid 'tong water dispenser?" sabat naman ng babae na kanina pa nakatayo sa harap nito.
Kalat na kalat ang samyo at halimuyak ng green crescent paradise sa loob ng silid. Ang mga dilaw na tila pulbong ibinubuga nito, paikot-ikot, sumasayaw sa bawat pag-ihip ng aircon. Pasalin-salin sa mga taong naroon.
Nagmamadaling tinungo ni Mark ang bintana. Sumilip siya. Sa labas ng bintana, may makipot na platform na puwede nilang lakaran. Sa dulo nito sa kaliwa may nakita siyang emergency staircase. Iniwan na nito si Ivy na hinihila-hila na parang musmos ang manggas ng kasamahan niyang si Billie dahil hindi siya nito pinapansin.
"Daan tayo sa may bintana. May nakita akong daanan doon. May emergency staircase sa dulo. Mauna na tayo. Tawagin mo na gf mo. Magsisisisinuran din ang mga 'yan 'pag nakita nila tayo," ika ni Mark kay Kenzo. Ang mahalaga, 'wag tayong mag-cause ng panic."
Naunawaan naman ni Kenzo ang nais na ipakahulugan ni Mark kaya tinakbo niya ang kabilang dulo ng silid para kunin si Shan na kanina pa palinga-linga at nawi-weirduhan sa biglaang pagbabago ng vibe ng paligid.
Dumiretso silang tatlo sa may bintana. Hinila ni Mark ang kalapit na silya at inilapit ito sa windowsill at saka siya tumuntong dito para lumusot sa labas. Sumunod si Shan na inaalalayan ni Mark. Huli si Kenzo.
Nakita ito ng isang payat na agent na may hawak na tumbler. Tila kinukutuban na rin ito sa mga nangyayari. Sumunod ito pagkatapos ni Kenzo.
"Tara guys!" aya nito sa iba pa na walang kamuwang-muwang na may pumupuslit na pala sa hanay nila.
BINABASA MO ANG
The Scent Of Madness (COMPLETE)
HorrorIsang maaliwalas na umaga, nakasakay si Mark sa isang bus patungo sa bagong kumpanyang kanyang aaplayan. Walang kamuwang-muwang na sa araw na iyon ay susuungin niya ang isang delubyo na sanhi ng isang uri ng bulaklak. Habang si Boyet naman sinusubuk...