KABANATA 21

1.9K 17 0
                                    

Nagising ako dahil sa mararahang halik na dumadampi sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata pero agad ipinikit dahil sa sinag ng araw na agad sumilaw sa aking paningin.

“Good morning, babe.” Cyrus bedroom voice filled my ears as I closed my eyes, adjusting from the sunlight. He kissed my neck making me groan in an electrified sensation.

“Anong oras na?” agad kong tanong nang makabawi sa biglaang paggising.

“It’s still six in the morning,” he said huskily then crouched again to kiss my shoulder blade. “Where’s my good morning?” he demand.

I snorted at him. “Arte mo.” irap ko sa kaniya pero humarap din sa kaniya bago pinisil ang tungki ng ilong niya. “Good morning.” he stilled for a while after hearing my greetings. He then, chuckled and buried his face on my neck.

Natawa ako nang mahina nang marinig ang mahihina niyang pagmumura habang humihigpit ang yakap sa akin.

“Fvck. Ang sarap gumising sa umaga kapag boses mo ang una kong maririnig.” my heart literally did the summersault when he said that.

Parang nakipagkarera ‘yon sa sobrang bilis ng tibok. Hindi ko alam kung naririnig ba niya ‘yon o hindi. Wala na ‘ata akong pakialam sa reaksyon ng katawan ko sa pagyakap niya sa akin nang mahigpit. Ramdam ko ang mabibigat na mainit niyang hininga sa leeg ko at ang marahan niyang paghalik doon. I’m still sore but the tingling sensation is just—oh my!

“Cyrus, get up. Kailangan ko nang mag-asikaso para makapasok na ‘ko.” pero ang kumag ay hindi kumilos!

“Five more minutes, please.” Suminghal ako sa kaniya pero hindi niya ‘yon pinansin at mas lalo lang akong kinulong sa mga bisig niya. Maging sa kaniyang mga malalaki at mahahabang hita ay ikinulong niya ako.

“Gutom na kaya ako,” reklamo ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang pagnguso niya sa aking leeg dahil sa sinabi ko. Maya-maya pa ay huminga siya nang malalim at nag-angat ng tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay nang magtama ang tingin naming dalawa.

“I just want to cuddle.” nakanguso niyang sambit.

He looks so childish! So damn cute. How could a man like him be so handsome and be cute at the same time?! Nakakairita siya! Kinuha na niya ‘ata ang lahat ng magandang traits sa mundo.

“What?” pinandilatan ko siya ng mga mata. “You’re cuddling with me the whole night, Cyrus.” mas lalo siyang ngumuso at muling ibinaon ang mukha sa aking leeg.

“I really just want to cuddle with you the whole day, though.” he chuckled and kissed my collarbone.

“Tigilan mo ‘ko, Cyrus. May trabaho pa ‘ko. Ikaw rin, may trabaho ka pa, ‘di ba?” ang braso ko ngayon ay nasa kaniya nang likod dahil nakaunan na siya halos sa akin.

Hinaplos ko ang kaniyang hubad barong likod na nagpaungol sa kaniya. Napangisi ako sa epekto ko sa kaniya. Hindi ako tumigil sa paghalos nang mararahan sa kaniyang likod kahit na mas lalo niyang idinidiin ang sarili niya sa aking katawan.

Hindi siya nagsalita at nanatili lamang sa gano’ng posisyon. Ako naman ay patuloy lang rin sa paghaplos sa likod niya at ang isang kamay ay pinaglalaruan ang kaniyang buhok. I sighed in contentment as I ruffled his hair lightly. I’m already contented with these simple things… as long as it’s him I am with. As long as he’s not pushing me away… rejecting me like puppy, I’m already contented and couldn’t ask for more. But still hoping we’re in the same page in this lifetime. But I know it was too impossible.

“What do you want for breakfast?” he suddenly asked. Umahon siya mula sa pagkakabaon ng mukha sa aking leeg para lang tingnan ako.

“Kahit ano,” pinilit kong hindi mautal nang sabihin ‘yon dahil baka mahalata niyang masyado ko siyang pinupuri. Napakakapal pa naman ng mukha ng isang ‘to.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon