KABANATA 37

1.3K 17 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero para makasiguro nga na buntis ako ay pumunta ako sa malapit na pharmacy at bumili ng tatlong pregnancy test. I bought three to make sure. Ayaw kong umasa.

Lalo na kapag sinabi ko na ito kay Cyrus. Ayaw kong umasa siya tapos hindi pa naman ako sigurado.

Nakaupo ako ngayon sa sofa habang nagddasal at nakapikit ang mga mata. Gusto kong magkaanak, lalo na at anak namin ito ni Cyrus. Hindi ako magdadalawang isip na sabihin agad 'yon kay Cyrus.

Iminulat ko ang aking mga mata habang kinakabahan. Napakurap-kurap ako at tiningnan ang tatlog pregnancy test na nakahilera sa coffee table.

Nagtubig ang gilid ng mga mata ko nang makita ang pare-parehong resulta ng tatlong pregnancy test. It all has two red lines. And I knew what was the meaning of those two red lines.

"I'm pregnant . . ." I whispered silently as I cover my mouth in shock and because of so much emotion I am feeling right now. "I'm pregnant. I'm bearing Cyrus' child . . . our child."

Halos magtatalon ako sa sobrang saya dahil buntis ako. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba ngayon si Cyrus o hihintayin ko na lang muna siyang dumating sa Pilipinas para isorpresa siya. I chose the latter. I wait for him to be here in the Philippines.

Bawat oras na nagdadaan ay parang hinahalukay ang tiyan ko sa kabang nararamdaman ko ngayon. Tinitingnan ko ang aking cellphone, nag-aabang na baka sakaling tumawag na o mag-text na si Cyrus sa akin. Pero dumaan ang ilan pang oras ay wala akong natanggap na tawag o mensahe mula sa kaniya.

Inisip ko na lamang na baka nasa eroplano pa siya kaya hindi pa siya makakatawag o makakapag-text sa akin. Inintindi ko 'yon.

Hanggang sa gumabi na at wala pa rin akong natatanggap na kahit ano mula sa kaniya. Hindi ako pumasok dahil may usapan din kami na magkikita kami ngayong araw pagdating niya. Pero anong oras na ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin.

Dumodoble na ang kabang nararamdaman ko dahil umabot na lamang ng alas otso y media ng gabi ay wala pa rin siyang paramdam sa akin. Dapat ay dadating siiya ng mga alas singko o alas sais ng gabi ngayon. Pero anong oras na ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Kinakabahan na ako at hindi na mapakali.

Sinubukan ko nang tawagan ang numero niya pero nag-oout of coverage na ang linya niya. Nagsisimula nang manubig ang aking mga mata at kabahan nang sobra habang lumilipas ang bawat minutong hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Ayos naman kami kagabi kaya bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko ngayon?

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatingin sa aking cellphone, tinitigan ang numero ni Cyrus. Sunod-sunod na kumawala ang luha sa aking mga mata at hindi ko na rin napigilan ang paghikbi habang hinihintay ang tawag niya.

Mariin akong pumikit hanggang sa naisipan ko na ngang tawagan muli ang numero niya. Kabadong-kabado ako habang naririnig ang pag-ring ng cellphone ko. Mariin lang akong nakapikit, hinihintay ang pagsagot niya sa tawag ko. Hanggang sa makailang ring ay sinagot na niya ang tawag ko.

"Hello,"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang lamig ng boses niya. Ano'ng problema . . .

"C-Cyrus . . ."

He did not dare to speak. I stifle my sob and the tears pooling in my eyes.

"N-Nakauwi ka na ba?" I asked softly as my lips tremble and my voice crooked.

"Yeah," hi cold hoarse voice made my tears fall down continuously.

"B-Bakit hindi mo 'ko tinawagan? Bakit hindi m-mo sinasagot 'yong mga tawag ko?" Kahit pilitin kong patatagin ang boses ko ay nabigo pa rin ako.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon