"You have an ex?" I asked lowly, looking at him intently as he rest his head on the backrest while closing his eyes.
"Yeah . . ." wala sa sariling sagot niya. "Damn her, she shouldn't be there, baka magselos ka. Naiirita ako sa kaniya." he mumbled things I can still hear.
"You told me you don't do girlfriends, then why do you have an ex-girlfriend?" tanong ko nang lumapit na ako sa kaniya at binigay ko sa kaniya ang tubig. "Drink this water," malamig kong utos sa kaniya.
Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan ako.
"Are you mad at me?" Ang mga mata niya ngayon ay namumungay dahil sa kalasingan.
"Saan ka uminom?" tanong ko habang pilit na pinapainom siya ng tubig.
"Sa bar, kasama ko sina Yaj, nag-aya kasi." sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Uminom siya ng tubig kaya binaba ko na 'yon nang mapangalahatian niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
Nag-iwas siya ng tingin, "low battery ang cellphone ko kaya hindi na kita natawagan. At kaya dumiretso na rin ako rito." Nang ibinalik niya ang tingin sa akin ay nangungusap na 'yon. "H'wag ka nang magalit. I didn't entertain girls there, I promise. I won't do any mistakes now. Never again." aniya bago lumapit pa sa akin para yakapin ako mula sa gilid.
I don't know but it's just the trauma I've through that's why I feel this way. Gusto ko siyang pagkatiwalaan ulit, gaya ng pagtitiwala ko noon sa kaniya. I know he won't do the same mistakes now and it's just that I hold on to. Gusto kong pagkatiwalaan ulit siya. Gusto kong ibalik 'yong dati kong pagtitiwala sa kaniya pero.
I was caught off guard when he suddenly held my cloth. Inililis niya ang manipis na strap ng suot kong nighties. Napasinghap ako nang tumambad sa kaniyang mga mata ang dibdib ko, kung saan naroon ang peklat.
"T-This was the scar . . . you—"
"Tama na," sambit ko at ibinalik ang strap ng damit ko.
Huminga siya nang malalim, "I'm sorry. I know I was the one who caused you this." aniya sa nagsisising boses.
"Stop, Cyrus. Let's all move on. Tapos na ang nangyari. Please lang."
"I'm sorry, I'm so sorry," he chant as he hug me from the side.
"I was asking you, Cyrus. You have an ex. You told me before you don't do girlfriend? Bakit ngayon may ex ka?" tanong ko sa isang mariing boses.
Napabuntong hininga siya.
"Ex?" he chuckled.
"Ano'ng nakakatawa, Jian Cyrus?" Bigla siyang umayos ng upo at tumikhim. Nagseryoso pero tila may sinusupil na ngiti sa labi.
"I didn't mean ex-girlfriend, I mean ex, ex-best friend. She was my best friend." Paglilinaw niya sa sinabi kanina. Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. "She liked me before, yes. But I did not like her back. No, I just can't like her back. Because before I was just playing. Hindi pa kita nakikilala no'n. And when I met you, I told her I liked someone else. I don't know if it's really a best friend to be called but, I considered her as one before. She was once my Mom's taste for me but I just couldn't like her. I just saw her as a friend, nothing more. Tapos nalaman niyang . . . may gusto ako sa 'yo noon, siniraan ka niya sa akin. I didn't believed her, though because she don't know you. That's why I cut the cords for us. She was upset and then eventually accepted it. Kababalik lang niya ng Pinas galing Cambodia, at dumiretso siya ng bisita sa condo ko. Hindi ko siya pinapapasok dahil ikaw lang ang p'wedeng pumasok do'n bukod kay Mommy. At sobrang kulit niya kaya ayaw ko umuwi ro'n. Dito muna ako."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang mapagtantong masyado akong selosa pagdating sa mga ganitong usapan. I just can't help it because . . . I love him. I still love him. Kahit na nababalutan pa ng galit ang puso ko sa nangyari sa amin ay hindi ko maiwasang mahalin pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞