Kinabukasan ay sabay na kaming pumasok ni Cyrus sa trabaho, na parang walang nangyaring away o pagitan sa aming dalawa. Everything seems back to normal now. Ang kaibahan lang ay may label na kaming dalawa. At gaya ng sabi niya kagabi ay humirit pa nga siya ng dalawa pang round, kung hindi lang ako nakatulog ay siguro hindi niya ako tatantanan. Nakakairita siya!
“We’ll have lunch together, ‘kay?” aniya habang maingat na ipinaparada ang kaniyang sasakyan sa parking lot.
Napanguso ako, “okay, bili ka mango float saka buko juice. ‘Di ba maganda sa katawan ‘yon? Kasama ‘yong laman no’n, ah. Hindi lang ‘yong buko juice.” Request ko sa kaniya na tinanguan lang nito.
“Is that all you want? What do you want to eat for lyunch, specifically.” Bigla naman akong napaisip sa tanong niya.
“Hmm . . . kahit ano na lang basta h’wag taba ng baboy?” Sa isiping ‘yon ay parang bumabaligtad na ang sikmura ko. Parang kadiri na ewan kahit na hindi naman talaga ako mapili sa kinakain ko.
Tumango si Cyrus, “noted for that, babe.” sambit niya bago lumabas at bahagyang tumakbo papunta sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto.
“Thanks,” saad ko nang makalabas ng sasakyan niya. He smiled at me.
“Anything for my babe,” he then, winked at me playfully.
Inilingan ko na lamang siya at naglakad na papunta sa elevator. Agad siyang sumunod sa akin at pinahinga ang kaniyang kamay sa aking beywang. Nahiya naman ako lalo na’t may nakasabay kaming dalawang empleyado rin mula sa basement at binati agad si Cyrus, the latter just nod at them politely, not even uttering a single greet to them. I rolled my eyes sarcastically and just ignore it until we reached our office floor. Akala ko ay hindi na lalabas si Cyrus dahil handa na sana akong lumingon at magpaalam sa kaniya nang sabayan niya ako sa paglabas.
“What the hell, Cyrus? Ano’ng gagawin mo?” tanong ko sa kaniya habang may gulat na reaksyon sa mukha.
“Ihahatid kita,” simpleng sagot niya bago bahagyang itinulak ang aking likod para maglakad na ako.
Wala na akong nagawa kung ‘di ang sumunod sa gusto niya dahil mukhang hindi rin naman siya magpapapigil sa akin. Nahiya nga lang ako bigla nang makita ko ang gulat sa mga mukha ng mga kasamahan ko roon habang nakikita kaming naglalakad papasok sa opisina.
“Cyrus,” tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinapansin at walang pakialam na naglalakad sa gitna ng opisina, kasama ako kahit na pinagtitinginan na kami ng mga empleyado.
“Mio!” Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa akin at nakita ko si Jarah na naglalakad palapit sa akin pero agad ding napatigil nang makita kung sino ang kasama ko ngayon.
May sinusupil agad siyang ngisi sa labi habang nakatingin sa akin nang makahulugan. Hindi ko na lang ‘yon pinansin at napakagat na lang sa pang-ibabang labi habang nag-iiwas ng tingin sa kaniya dahil sa hiya.
“I’ll see you later,” si Cyrus nang makarating na kami sa tapat ng cubicle ko.
“S-Sige . . .” I said almost a whisper because I can still feel the stares my co-workers are giving us.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang umuklo para halikan ako ng marahan sa labi bago ngumiti ng nakakaakit.
“Bye, I love you.” he said before walking away from me.
I was left there, dumbfounded. I look at Jarah who’s smiling at me from ear to ear, then to my co-workers who’s looking at me intently and with a smile crept in their lips. I gulp. I didn’t expect that to happen!
“Grabe pala bumawi si papa Cyrus, ‘no?” Jarah giggled. “Nagkabati na ba kayo? Well, he’ll not be here if not, right?” Natawa siya sa sariling sinabi at parang baliw na umiling sabay sabing, “ang rupok mo, Hermione!” tawa niya bago bumalik sa sariling cubicle.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞