Natapos pamimili namin sa grocery nang puro siya pangungilit at panlalandi sa akin. Hindi ko alam kung paano ko natagalan 'yon nang walang pagiging marupok sa kaniya. Iniirapan ko na lang siya o iniiwan sa puwesto niya para takasan ang panlalandi niya sa akin.
Nagpumilit pa siyang siya ang magbabayad ng pinamili ko pero nang masama ko siyang tingnan ay tumigil na rin siya at hinayaan akong magbayad sa pinamili ko. Ako naman ang makikinabang dito at hindi siya, saka may budget naman ako.
"Do you still need new furnitures in your apartment?" he asked unconsciously while putting the stuffs we buy on the back compartment of his car.
"No need, okay naman na 'yon. At saka hindi ko rin naman magagamit iyong mga furniture na iba mong binili roon sa araw-araw. Nagdagdag ka pa ng mga vases, baka mabasag ko lang 'yon doon, masyadong mamahalin 'yon." I said while crossing my arms in front of my chest, still watching him on what he's doing.
Napatingin siya sa akin at ngumiti, "it's fine if you break them. Bibilhan kita ng bago at mas mahal." He then, winked at me.
I snorted, "h'wag na nga sabi, sayang lang pera."
"Ayos lang, at least ikaw pinagkakagastusan ko, 'di ba?"
Inirapan ko siya.
"Ganiyan din ba sinasabi mo sa mga babae mo noon?" I asked languidly at him.
"Nope." he answered, popping the 'p' at the end. "Sa iyo lang naman ako seryoso."
I shifted on my feet and look away from him and then I cleared my throat, "uh . . . do you still have free time today?" I asked shyly.
I heard him gasped but I didn't dare to look at him again. I remained looking at the other side where some people are walking leisurely.
"Oo naman, sa 'yong, sa 'yo ako ngayong araw."
Napanguso ako sa sinagot niya bago siya tiningnan sa mga mata. Kita ko ang galak, saya, kislap ng paglalaro sa mga mata niya na hindi ko na lang pinansin at inaya na siyang umalis doon.
"Kailangan kong bumili ng bagong bedsheets at unan para sa kuwarto ko. Bago pa naman 'yong kutson doon kaya bedsheets na lang at unan ang bibilhin ko. Saka towels na rin."
Pumunta kami ng hypermarket kung saan mayroon lahat. Kung alam ko lang na makakasama ko si Cyrus ay dito na lang kami bumili para isang galaan na lang at hindi pa napagod.
"May nahanap ka na bang company na papasukan?" he asked while we're looking for a good texture of bedsheet.
"Nag-inquire pa lang kung may mga company na hiring at kung ano ang requirements," saad ko bago kinuha ang isang kulay beige na bedsheet.
Napatalon ako nang bahagya dahil sa gulat nang lumapat sa beywang ko ang kamay ni Cyrus bago niya inilapit ang katawan sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko nang dumampi sa leeg ko ang mainit na hininga niya. Pati ang panlalaking pabango niya ay hindi nakaligtas sa aking pang-amoy.
"Why are you looking for other company when my company is just waiting for you? You can go back therr anytime you want. Bumalik na rin naman si Jarah, dahil pinabalik ko siya roon." Napapikit ako nang dumampi ang kaniyang labi sa ilalim ng aking tainga.
Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang huli niyang sinabi.
"Bumalik siya?" Hinarap ko siya at kita ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata at ang pagbaba ng kaniyang tingin sa aking labi.
Binasa niya ang labi bago tumango sa akin nang marahan at nag-angat ng tingin sa mga mata ko.
"She was, at first, hesitant because of what happened. But I convinced her, though." he chuckled before staring intently at me. "So . . . are you willing to . . . come back to me — I mean, to my company." Napairap ako sa pahaging niya bago nagkibit balikat.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞