KABANATA 33

1.5K 18 1
                                    

Sa bawat araw na nagdadaan ay para akong nauupos na kandila. Parang palagi akong walang gana kumilos. Madalas pa ang pagkahilo ko at pagsusuka sa umaga, minsan ay nagsusuka ako kahit sa trabaho at mapili ako sa pagkain. Hindi ko na lang pinapansin dahil baka sa pagod at stress lang sa trabaho itong nararamdaman ko. Kailangan ko na rin sigurong magpahinga.

Sa nagdaang mga araw rin ay nakikita ko ang madalas na pagsulyap sa akin ni Cyrus. Hindi siya lumalapit sa akin gaya ng ng ipinangako nyang hindi siya lalapit hangga’t hindi napapatunayan na tama siyang walang nangyari sa kanila ni Kendra. And speaking of which, I didn’t see Kendra for days now in the lobby of our office floor. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko na rin naman inusisa dahil naiirita lang din naman ako sa pagmumukha niya.

“Lunch tayo?” Tumango ako kay Jarah nang mag-aya na siyang bumaba na.

Sabay-sabay kaming bumaba sa canteen at um-order na rin muna ang iba ng kakainin nila habang kami nina Jarah at Jerson ay naghanap ng lamesa. Same spot pa rin naman ang naupuan namin.

“Girl, Cyrus mo, oh.” bulong ni Jarah sabay nguso ng direksyon.

Sinundan ko ang inginuso niya at doon ko nakita si Cyrus na umuupo na sa pangdalawahang lamesa. Kasama niya si Mr. Madrid na mukhang napilitan lang sumama sa kaniya. Pina-order niya ito ng makakain nila at tumingin sa direksyon namin. Nang makita niyang nakatingin sa kaniya ay pasimple siyang nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya. He’s too obvious that he’s just here to stalk me. At dinamay pa niya ang sekretarya niya! Wala namang magagawa si Mr. Madrid dahil boss niya ito kaya susunod siya. Ang lalaking ito talaga!

Huminga na lang ako nang malalim bago nag-iwas ng tingin at inilingan si Jarah na nakangisi sa akin. Wala naman na siyang ibang sinabi kaya naman nagpasalamat na lang din ako sa pananahimik niya habang si Jerson sa tabi niya ay walang kamuwang-muwang at kinakalikot lang cellphone nito

Pagkarating ng mga kasama namin ay kami naman ang umalis do’n at um-order.

“I want mango float,” nakangusong bulong ko kay Jarah na siyang umo-order para sa aming dalawa. Naningkit ang mga mata niya nang bumaling sa akin at bumuntong hininga bago bumaling muli sa counter.

“Isang mango float, miss,”

“Saka balat ng manok,” kumunot na naman ang noo ni Jarah nang bumaling sa akin.

“What? Gaga ka, walang chicken skin dito.” natatawang saad niya na nginusuan ko na lang. “Ano bang gusto mong ulam?”

“Balat ng manok,” nakangiti kong sambit.

Marahan siyang pumikit, “girl, walang balat ng manok dito. Maawa ka naman sa ‘kin at baka paghanapin mo pa ako ng balat ng manok mapakain ka lang ng tanghalian.” singhal niya.

“Pero gusto ko no’n.” Ngumiti ako ng malungkot sabay turo sa menu sa harapan. “Pritong tilapia na lang. Pakitanggal ng tinik saka ‘yong ulo.”

Napamaang sa akin si Jarah sa request ko. Sabay baling sa counter. Ngumiti lang ako at tinapik ang balikat ni Jarah bago umalis doon at hinayaan ko na siyang maghintay ro’n.

Huminga ako nang malalim nang makaupo ako sa silya at sinamahan na ang mga kasama namin doon na naghihintay rin kina Jarah at Jerson na bumalik sa lamesa.

“Nagulat nga ako sa biglang nangyari kanina,” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Winnie.

“Ano’ng nangyari?” marahang tanong ko sa kanila, kunot ang noo.

“Si Architect kasi galit na galit kanina. May dalawang empleyado siyang nasisante kanina sa-- saang department ‘yon?” Nag-angat siya ng tingin at inisip kung saan ‘yon. “Sa design team ‘ata? Hindi ko sure pero parang malapit doon. Hindi ko lang din alam ang dahilan. Pero base sa galit ni Architect paniguradong malaking pagkakamali ang nangyari.” naiiling niyang sambit.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon