KABANATA 8

1.9K 31 0
                                    

I didn’t get it. How can he say that. . . someone is fooling me or someone can fool me? And he can’t? Really how can he say so that he won’t nor can’t fool me? He’s no saint so he can fool me, I’m a hundred percent sure he can do that to me.

That’s why when he didn’t answer my question who’s fooling me, I stormed out of his office. Mad and almost hit his secretary for bumping into me.

Pinakalma kong muli ang sarili ko sa loob ng elevator habang pababa na sa palapag ng opisina namin. Paniguradong magtatanong nito ang mga kasamahan ko dahil kababalik ko lang, kung sakaling mas nauna pa sila sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil pagkarating ko sa cubicle ko ay naroon na silang lahat, kompleto pa. Napailing ako nang mamataan ko ang kuryosong tingin ng mga kasamahan ko at ang nagtatakang mga mata ni Jarah na unti-unting naging ngisi.

“Oh, Mio, akala ko mas nauna ka sa amin?” takang tanong ni Jerson sa akin.

Umiling ako habang umuupo bago tumikhim. “Nautusan ako ni Mrs. Pelaez sa HR Department. May pinakuha lang saka nag-restroom ako.” palusot ko kahit alam kong maling dahilan ‘yon.

“Okay. . .” anila bago nagpatuloy sa ginagawang trabaho.

Pero hindi nakaligtas sa akin ang mahinang hagikgik ni Jarah sa tabi ko na ikinakunot ng noo ko sabay baling sa kaniya. Wala talaga akong naitatago sa babaeng ‘to, kahit kailan. Siya rin ang nakahuli sa akin sa Archi Dept. noon kaya nalaman niyang may gusto ako kay Cyrus. Ngayon. . . ito na naman siya at mukhang alam niyang nagsisinungaling ako sa kaniya.

“Bakit?” takang tanong ko sa kaniya.

“Alam ko kasing nagsisinungaling ka. Hindi na lang ako nagsalita dahil ichi-chika mo sa akin ‘yan mamaya.” napabuntong hininga ako sa tinuran niya. Wala talaga akong maitatago sa babaeng ‘to kahit kailan.

Napanguso ako sabay bulong, “wala naman akong ichi-chika sa ‘yo.”

Napabungisngis siya sa sinabi ko. “Sige lang. H’wag mo sabihin sa akin at ipagsasabi ko sa kanila na naging crush mo si Architect. ‘Kala mo, ah.”

Napasapo na lang ako sa sinabi niya sabay iling sa kaniya. Wala naman na akong takas sa kaniya. Kaya wala na rin akong maitatago sa kaniya. Wala na akong ligtas sa kaniya dahil kukulitin at kukulitin ako niyan. Mabuti na lang at wala rito si Sandy na makikisali pa kay Jarah na mang-asar sa akin ngayon. Baka sa kanila ako mabaliw at hindi sa trabaho.

Natapos ako sa trabaho nang maaga kaya naman hinintay ko na lang ang kaunti pang oras para makauwi. Ayokong umuwi ng sobrang sobrang aga dahil baka magulat sa akin ang mga katrabaho ko sa sobrang bilis ko matapos sa trabaho. Hinintay ko rin muna si Jarah bago ako umuwi dahil sabi niya ay sabay daw kami kumain sa labas habang nagkukuwento ako sa kaniya ng mga bagay-bagay na dapat niyang malaman. Chismosa lang talaga siya.

Kaya naman wala na akong nagawa nang yayain niya ako sa isang Unli Wings sa malapit kaya hindi na ako nag-abala pang umangal dahil wala naman na akong kawala sa kaniya. Pumasok na lang kami doon para makaorder na. Habang naghihintay ay kinukulit na agad ako ni Jarah na magsabi sa kaniya dahil nga raw magkasama kami sa trabaho ay mukha raw’ng wala siyang alam sa nangyayari sa buhay ko.

“Napakaprivate kasi ng buhay mo. As in napakatahimik. Para ka namang artista niyan, ayaw malaman ng madla ang nangyayari sa buhay.” umirap pa siya sa akin pero natawa rin.

“Wala naman kasi akong sasabihin. Wala namang importante o interesanteng pangyayari sa buhay ko.” walang ganang sambit ko habang napangalumbaba at nakatingin sa labas ng Unli Wings shop na ito.

“Wala nga bang interesante sa buhay mo? O dine-deny mo lang dahil. . . ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa inyo ng longtime crush mo?” I narrowed my eyes on her that made her laugh so hard as she look at me with so much satisfaction glimmered in her eyes. She smiled sweetly at me.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon