KABANATA 25

1.8K 15 0
                                    

Nang pareho na kaming nakaayos at hindi na halatang may milagrong ginawa, tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kaniyang hita. Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin habang nakakunot ang noo at salubong ang dalawang may katamtamang kapal ng kilay.

“What?” I asked him while checking myself.

“Bakit ka tumayo?” nagmamaktol ang boses niya pero inirapan ko na lang siya.

“Kailangan kong magtrabaho, Cyrus. At ikaw rin. Kailangan mong magtrabaho.” tinuro ko ang sandamakmak na papeles sa lamesa niya. “Tambak na, oh. You should be working your ass off now. H’wag kang papetiks-petiks diyan. Kailangan mong magtrabaho.”

Napanguso siya sa sinabi ko. “Pero mas maganda kung dito ka na lang muna. Ngayong araw lang. Please…” he said with puppy eyes.

I snorted at him. “No. Wala kang matatapos diyan kung tatambay ako rito. At saka ang dami ko pang gagawin sa lamesa ko. Marami akong nakatambak na files na kailangang gawin.”

Ilang minuto ko pa siyang kinumbinsi na aalis na ako dahil kailangan ko nang magtrabaho hanggang sa pumayag na rin siya. Pagkababa ko ay kita ko ang pagbubulungan ng ibang empleyado sa kanilang mga cubicle. Hindi ko lang alam kung ano ang mga pinag-uusapan nila.

“Nakakaawa si Ms. Trinity, ‘no?”

“Deserve naman niya. Palagi na lang siyang ganiyan sa mga bagong empleyado. Mabuti nga at hindi siya inatrasan ni Mio.”

Hindi ko alam kung matutuwa ako na hindi nila pinagtsi-tsismisan ang tungkol sa amin o kung medyo maiirita dahil baka dahil sa ganiyang usapan ay mas lumaki ang gulo. O baka may umaway pa ulit sa akin. Ayoko ng gulo kaya pinipilit ko talagang hindi ako madawit sa kung ano mang away. Ngayon lang talaga naging ganito dahil sa kakitiran ng utak na pinairal ni Trinity.

“Mio,” sinalubong agad ako ni Jarah na may pag-aalala sa mga mata.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya bago umupo sa swivel chair ko.

Agad namang nagsilapitan sa akin ang mga kasamahan namin para makiusyoso rin. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nila.

“Anong nangyari? Galit na galit ba si Architect? Grabe ‘yong mukha niya kanina. Konti na lang ay mag-usok na talaga sa galit ang ilong at tainga niya, e.” ani Jarah na hindi mo alam kung naeexcite o kung natutuwa pa sa nakita.

“Totoo ba talaga ‘yon, Mio? Si Ms. Trinity talaga ‘yong nagdelete ng files mo?” huminga ako nang malalim sa tanong ng kasamahan ko.

“Oo, pinaimbestigahan ni Cyrus…” nagsinghapan sila nang mabanggit ko ang pangalan ni Cyrus kaya mas lalong kumunot ang noo ko at tiningnan sila kahit nasa likuran ko ang iba. “Anong problema niyo?”

“So totoo rin na boyfriend mo nga si Architect?” napasapo ako sa noo ko dahil doon.

Anong sasabihin ko? Hindi naman kami. Ano? Fvck buddy? Kalaro lang sa kama? Friends with benefits? E, wala naman kasi kami talagang label. Kairita.

“Hindi,” I said the safe word.

“Hindi raw sila? E, ano ‘yong sinabi ni Architect? Sabi niya siya raw nanlalandi sa ‘yo.” ani Jerson. Natawa naman agad si Jarah doon.

“Hindi naman talaga kami. At oo, nilalandi niya ako. Pero walang kami.”

“Awts. So, friend zone na ba si Architect niyan?” Jarah teased.

I rolled my eyes on her, “May trabaho pa kayo, ‘di ba? Magtrabaho na kayo at magtatrabaho na rin ako.” ayaw pa sana nila magsialis pero hindi pa rin nila ako tinantanan hanggang hindi nila nakukuha ang gusto nilang impormasyon.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon